Hindi sila makatulog sa gabing iyon. Pareho silang nagpapakiramdaman. Parehong nasa gilid ng king size bed at malawak ang gitnang namamagitan sa kanila. Nakatalikod si Alex sa kanya habang siya ay nakahiga nang nakatihaya. Palingon-lingon sa katabing babae. Bumangon siya kaya naman napalingon si Alex sa kanya. "Hindi ka ba makatulog? Lilipat na lamang ako sa..." "Stay here, Alex. Lalabas lang ako para uminom ng tubig," ika niyang bumaba sa kama at mabilis na lumabas ng kuwarto. Bumaluktot si Alex at niyakap ang sarili. Humikab siya at unti-unting hinila ng antok. Pagod na pagod ang pakiramdam niya kahit nakapagpahinga naman siya kanina. Akala niya ay hindi siya makakatulog lalo at kasama niya si Rick sa iisang kuwarto, ngunit napahimbing talaga ang tulog niya. Sa kabilang banda, kasal

