- "Earth to Danaia. Hello? Kasama ka pa ba namin?" Agad siyang natauhan nang tapikin siya ni Yoon sa balikat. Kasalukuyan silang nasa isang café kasama sina Synn at Arika. "Huh? Sorry. Nag-space out nanaman ba ako?" tanong niya sa kaibigan. Ilang linggo na ang lumipas after her date with Inno and she's doing an amazing job dodging Jarvis. Mukhang wala rin itong naalala sa nangyari kaya't safe pa siya. For now. "Sorry. I barely had sleep last night. Ang dami kasing papers for approval ni Lolo and I still have the SPA," paliwanag niya. "I had to review all of them bago aprubahan." "Naks. Iba na talaga kapag big boss," kantiyaw ni Yoon. "Sana all." "Boss mo naman ang sarili mo ah, Yoon," ani Synn. "Parang big boss ka na rin kaya." "Sa ating apat eh ako lang naman ang empleyado dito,"

