- Kanina pa tawang-tawa si Naia habang inaalalayan ang nanlalantang si Inno papasok sa mansyon. Siya na rin ang nag-drive pauwi dahil tila nawala ang kaluluwa nito sa sobrang dami ng extreme rides na kanilang sinakyan. From the tower drop, rapids, down to the roller coaster. Wala silang pinalampas. At doon, sinigaw nila lahat ng sakit. Hindi man nawala, at least nabawasan na ang bigat na nasa dibdib nila. And for her, it really helped ease the pain. "Dahan-dahan, Inno," pagalit niya dito habang natatawa. "Baka sabihin nina Tita eh kung ano na ang ginawa ko sa'yo." "Nilapastangan mo 'ko," sumbat nito sabay suporta ng kanang kamay sa katabing poste. "Pasalamat ka talaga Danaia't malakas ka sa'kin. Kundi iniwan na kita sa Laguna." "Thank you," tumatawang sagot niya. "Next time dadalhin k

