- Uno's plan backfired. Ang lakas ng tawa niya nang imbes na siya ang pagalitan ay ito ang binalot ni Seven at Yvo ng pagkaraming towel. "Si Dora ka. Bawal sa children's show ang ganyang damit," ani Seven. "Ang laki ng tiyan mo. Maawa ka naman sa mga mata namin," ani naman ni Yvo. "Bakit ba?! Anong gusto niyo maligo ako ng naka-gown! Mga peste kayo!" sigaw ng pinsan niya habang tinatanggal nito ang mga tuwalyang pinulupot sa katawan nito. "You look breathtaking, baby," bulong sa kanya ni Jarvis habang nakaupo sila sa hagdan ng pool. Napagpasyahan din kasi nito at ng ibang mga lalaki na maligo kasama nila. "Uno chose this for you?" Tumango siya. "Don't you think it looks too revealing? You're not mad?" "How can I be mad if you look this beautiful wearing it?" sagot naman nito. Kung

