- "Are you sure about this, Naia?" tanong sa kanya ni Jarvis as they waited outside her Tita Cathy's office. Mula sa airport ay agad nilang tungo ang opisina ng abogadong tiyahin para kausapin ito to help them get married as soon as possible. At first, nagulat ito nang bigla silang sumugod sa opisina nito. Akala pa nga nito ay si Uno ang may pakay magpakasal dahil ang gaga niyang pinsan eh namali nang pagkasabi. But all in all, suportado siya ng tiyahin sa kanyanh naging desisyon. She didn't even get to tell her na buntis siya't magiging lola na ito. They decided to tell them a few weeks after they tied the knot para hindi magmukhang nagpakasal sila dahil doon. "One hundred percent. Ako nag-aya sa'yo diba?" sagot niya dito. "I want to marry you, Javier Vitus Montecillo. I've never b

