CHAPTER 2- The Mayor

1014 Words
This is it, pancit.   Jenna Storm is here now in front of the Sta. Monica’s City Hall. She glances at her car’s rearview mirror for the last time. Jenna Storm Sarmiento ikaw ba talaga yan? Parang tangang kinausap niya ang sarili. Wala ni bakas ang fashionistang Jenna. Ganap na nga siyang naging si Miss Tapia? O Miss Minchin? Nakapalda siya ng lampas tuhod na tinernuhan niya ng isang puting long sleeve at ipinusod ang mahabang buhok. Pang finale ay ang kanyang eyeglasses na may makapal na lens. O diba super achieved? Nasaan na ang magandang lahi? Humugot muna siya ng isang malalalim na hininga bago isuot ang isang flat na black shoes. D*mn, gusto niyang maiyak. She was used wearing heels and stiletto’s.   Nang dumating ang isang agent nila na kukuha sa kanyang sasakyan ay ipinasya niyang lumabas. See yah in a bit mayor. This is Her First Day being the Miss Tapia Jenna Cruz. Pagpasok niya sa City Hall ay pinag-titinginan siya ng mga empleyado. She just rolled her eyes. Hindi niya alam kung maiinis o matatawa siya sa mga ito. Dahil halatang pinipintasan ng mga ito ang suot niya. "Miss Jenna, ito ang magiging mesa mo." Muwestra sa kanya ni Mrs. Santos ang personnel officer ng City Hall. Her table was located sa harap ng pinakaopisina ng Mayor.  "Ikaw ang mag-aayos ng Schedule at tatanggap ng bisita ni Mayor. Gagawa at magpapirma ng mga papeles." "Yes, ma’am." Magalang na sagot niya dito. "Miss Cruz, ito ang lagi mong tatandaan. Huwag na huwag kang basta tatanggap ng babaeng bisita, unless may go signal ka galing kay Mayor." Mahigpit nitong bilin sa kanya. "Yes, ma’am." "Okay Miss, goodluck on your first day. Maya maya ay darating na si Mayor." Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. May sasabihin sana ito ngunit halatang pinigil nito ang sarili. Maybe she doesn’t want to offend her.“Don’t worry ateng, kahit ako ay naawa sa sarili ko. I don’t deserve this.”  "O, siya maiwan na kita dito. Babalik na ako sa opisina ko. Huwag kang mahihiyang magtanong kung may kailangan ka." Upang aliwin ang sarili habang hinihintay si Mayor, ay pansamantala niyang iginala ang paningin. Trophies and Plaques are everywhere.  Hmmmm mukhang magaling nga si Mayor. “Magaling din kaya ito pagdating sa—” Biglang uminit ang kanyang pisngi at ipinilig ang ulo. Nahawa na ata siya ng kahalayan kay Ricky Jose. Natatawa tuloy siyang naglakad patungo sa mesang nakalaan sa kanya. She inhaled and exhaled. Let's bring it on! Kasalukuyan niyang ini-scan ang papeles na kailangang ipapirma sa alkalde ng pumasok ang isang babaeng empleyado. Konting tuwad lang ay makikita na ang panty nito dahil sa iksi ng paldang suot. Kontodo make up pa ang mukha. With matching nagmumurang cleavage. Uwi na besh, may panalo na. "Ano pong kailangan nila maam?" Nakapaskil ang plastik na ngiti sa kanyang labi. "Nandyan na ba si Mayor? May ipapirma kasi akong documents galing sa Sangguniang Bayan." Hindi maitatago sa mukha ng babae ang pamipintas sa kaniya. Pinigil ni Jenna ang mapa-ismid. Kung alam lang nito na wala itong panama kahit sa kuko niya sa mga paa kapag nakita nito ang totoong itsura niya. "Sorry, ma’am. Hindi pa po dumating si Mayor. But if you want, puwede niyo na pong iwanan sa akin. Ako na po ang bahalang magpapa-pirma mamaya." Disappointment was written all over her face. "Huwag na Miss." Tutol nito. "Babalik nalang ako." Tumango lang siya bilang sagot. Tsk, kala mo kung sinong maganda mukha namang clown. Hindi pantay ang blush on mo ateng. Natatawa siyang bumalik siya sa ginagawa. Juicekolord, sorry Tita Thea. Hindi siya nito pinalaking pintasera, palaban lang. But she can’t help it. She raised her brow when the door opened again. Nakahanda na ang pekeng ngiti niya. “Yes, what can I do fo—” Her jaw almost dropped. She was used seeing handsome faces every day of her life. Her brother Thor Adam, Her cousin Zeus and Quen Hades, idagdag pa ang tito Zion niya kaya halos mawalan ng appeal sa kanya ang mga lalake. But d*mn, this man is an exception. Nakita na niya ang pictures nito but d*mn, he's more handsome sa personal. Jenna’s heart beats wild for a moment. Pasimple niyang hinawakan ang waistband ng panty niya baka nalaglag na ito. He is not wearing a typical Mayor's suit but a dark blue polo shirt that perfectly fits him.   Hindi ito mapagkakamalang mayor, but a model who walks out straight from GQ magazine. Pinagsiklop niya ang kanyang mga kamay para mapigilan ang mga itong kusang umangat at haplusin ang bumabakat nitong abs. Bumalik siya sa katinuan ng marinig niya itong tumikhim.  She closed her mouth at tila walang nangyaring kababalaghan sa isip niya. "Good morning, mayor." Inayos niya ang eyeglasses na suot at yumuko para maitago ang bahagyang pamumula ng pisngi. "Are you the new employee?" Seryosong saad nito habang pinagmamasdan siya. Nang-hingi siya ng lakas kay san goku para masalubong ang mga mata nito. "Yes, po mayor. May name is Jenna Cruz." She decided to use her real name Jenna. Kalabisan na kung may Storm pa. Inilahad nito ang kanang kamay. "Welcome, miss Jenna." She doesn’t want to be rude, kaya hindi siya nag-atubiling tanggapin ang pakikipagkamay nito. Ngunit hindi niya napaghandaan ang kuryenteng nanulay sa kanyang katawan sa simpleng pagdadaop nila ng palad. Gulat niyang iwinaksi ang kamay nito. Nagkibit naman ito ng balikat sa inakto niya.  "Pakipasok nalang sa loob ang mga pipirmahan ko." "Opo." Sinundan niya ng tingin ang mayor. Napamura siya ng mahina ng makapasok sa private office nito. Napakagat siya ng labi, now she knew the reason why. Alam na niya kung bakit nahuhumaling ang mga kababaihan at kabaklaan dito.  He is really the Hottest Mayor in Town. Ilang minuto palang ang nakakallipas mula ng makaharap niya ito ngunit mukhang pati siya ay nagsi-simula ng mahumaling. This is bad, Jenna Storm Brown Sarmiento. Very bad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD