ALTHEA
"What?! Two weeks? At ang alis nyo next week na? Why you did'nt tell me more earlier? Why just now?"
Bulaslas nito na may konting halong iritasyon, nang sabihin ko ang napipinto namin pag-alis ng mga kaibigan para magbakasyon.
E, kase noong una talaga si Krisha lang at Richard, pero nagkasundo sundo kami na all together kami sa dalawang Linggong bakasyon.
Sasabihin ko sanang wala naman akong balak sumama , at sa sobrang inis ko lang sa kanya noong isang araw, kaya nakapag desisyon ako ng wala sa oras.
"Its just two weeks lang naman," ang sabi ko pa habang nakanguso at wala sa loob na kinukurot kurot ang aking mga daliri.
Bakas ko kasi sa mukha niya ang pagkagulat at pagkadisgusto sa idea na iyon.
"Sa tingin mo ba ang 2 weeks na yon eh, maikli lang?" He groaned in frustration. Napasapo ito sa noo.
Halos liparin ako ng buntong hininga nito.
"I'll go with you," ang walang gatol na sabi nito.
Lumaki ang aking mga mata sa narinig. Gusto ko rin naman siyang kasama sa bakasyon pero huwag mo na ngayon.
Pano kung malaman ng mga kaibigan niya na kasama namin siya?
Makarating pa 'yon kay mom and dad at kuya Noah. Hindi pa ako handa para malaman nila ang tungkol sa'min.
"Kiel naman, ayaw ko! Isa pa mabilis lang naman 'yon no." Pagmamaktol ko.
Isang dipa na yata ang nguso ko sa pagkabusangot. Kung hindi ko sana siya nakitang nakikipagharutan sa iba 'di sana hindi ako nakapagdesisyon ng ura-urada.
"Natatakot ka na naman na malaman nila ang tungkol sa atin?" Ang tanong niya habang nakatingin deritso sa aking mga mata. Marahan akong tumango, at napayuko.
Napaungol ulit ito, habang hinihilot ang sariling sintido.
"Bakit kase hindi na lang natin sabihin? Ayaw ko nang ganito nagtatago tayo. Aantayin naman kita hanggang makatapos ka. Parang hindi ko kaya na hindi kita makasama ng dalawang linggo love," I stunned with his revelation.
Hindi ako agad ako nakahuma sa aking narinig pero naramdam ko ang tila pagsipa sa aking dibdib. I see his frustration and sadness on his eyes. Parang kinukurot ang puso ko. Napayuko ako habang kagat kagat ang labi.
"K-kinahihiya mo ba ako?" Ang medyo hirap nitong tanong. Bigla akong napatingin sa kanya.
"Ofcourse not! I-I'm just not ready yet Kiel...
I just don't want to dissapoint my parents." Tumalikod ito sa akin, sapo ang noo habang nakapameywang naman ang isang kamay nito.
Marahan akong lumapit sa kanya at niyakap siya sa baywang mula sa kanyang likod.
"Huwag ka nang magalit sa'kin please... Promise, kapag ok na ang lahat kahit araw araw tayong magkasama. Magbabakasyon din tayo kahit kailan mo gusto. Hanggang magsawa ka sa mukha ko," ang mahina kong sabi sa kanya to make him feel a bit better.
Marahan niyang binaklas ang kamay ko at humarap siya sa akin. Niyakap ako nito ng mahigpit at binigyan ng maalab na halik.
**
Sobrang saya ng bakasyon namin. Isa siguro sa the best na bakasyong naranasan ko.
Isa pa, ito ang unang beses na kasama ko lahat ng kaibigan ko. Sobrang saya lang walang araw na nakaramdam kami ng pagod.
Kung mayroon man siguro akong mamimiss pagka-graduate namin at 'di na masyadong makakasama e, 'yong mga ganitong pagkakataon.
Ang samahang tunay at walang humpay na tawanan at kulitan. At dahil spring time, halos araw araw hindi nawawala sa activities namin ang sakura viewing.
Meron nag-picnic kami at nagparty sa ilalim ng mga cherry blossoms. Nakaka mangha ang ganda ng bulaklak sa araw man o, gabi.
Nag-mountain sight seeing din kami. Nag- attend din kami sa kanilang pamosong spring festival. Nag ikot kami sa ibat ibang seyudad. Tulad ng tokyo, nag-boating sa himeji.
Nag enjoyed at namangha ng husto sa kakaibang architectural styles and lively arts and jazz scene ng yohohama.
Syempre hindi mawawala ang ang photos and vedios! Walang araw na hindi namin na enjoy ang bakasyon.
Nagsaya ang lahat after namin magulat na si Gino and Jhen na pala.
"Babe tutal absent naman si Kuya Kiel puwede bang ako na lang ka date mo sa buong bakasyon?" ang umpisang pang-aasar nito at pakindat kindat pa.
Since kami lang talaga dalawa ang magkasabay lagi maglakad at lagi magka -usap sinakyan ko na ang trip niya!
Minsan kase 'yong mga lovers may mga sari sariling mundo. Idagdag pa ang vlogging echos ni Krisha!
Tatlong beses lang akong naka-reply sa san damakmak na messges ni Kiel sa skype ko.
Hindi ko rin nagawang e-call back siya. Sinabi ko na lang na babawi na lang ako pag balik namin. Pero binilihan ko siya ng ilang pasalubong at ilang souvenirs.
Ganun din ginawa namin sa S-Korea. Nag attend kami ng Gyeongju cherry bloosom marathon.
At na amazed sa ganda ng view sa cheong sando island. The iland is known for its pristine beauty and slow pace of life.
Tulad sa Japan naglibot din kami sa ibat ibang seyudad at sumali sa festival tulad ng tulips festival. Isa ito sa mga dream kong maranasan.
Nag bar din kami sa Korea at para rin pala itong mga pinoy sa hilig nilang mag-vedio OK.
Hindi namin namalayan na sakay na kami ng eroplano pabalik ng Pilipinas, at doon pa lang yata kami nakaramdam ng walang humpay na pagod.
Doon ko rin naramdaman ang pananakit ng buo kong katawan lalo na ang akin mga binti.
Habang nasa biyahe nga kami ay knocked down ng lahat. Ang kasama naming mga lalake ay medyo nahilik pa.
Bakas ang pagod sa mukha ng bawat isa ngunit di makakatuwa na bakas at naroon din ang saya sa bagong karanasang naiwan namin sa dalawang bansang aming pinuntahan. Isang masayang ala ala na among babalikbalikan.
In the other hand at biglang-bigla, naisip ko si Kiel na miss ko rin siya. Gustong gusto ko na siyang makita...
Ano na kayang ginagawa niya, nakita ko ang maraming messages niya na ilan lang sa mga iyon ang nagawa kong reply-an. Naisip ko, habang wala kaya ako e, magkasama kaya silang muli no'ng babaeng iyon na kasama niya sa mall. Sa naisip inatake muli ng selos at panibugho ang puso ko.