(*Althea Olivarez*) Ginugol namin ang maghapon sa pamamasyal sa dalampasigan.. Saglit din kaming naglibot sa syudad. Maganda ang bayan ng Lingayen. Bukod sa kilala ang bayan na Ito sa mga magagandang beach resorts ay marami rin itong maipagmamalaking tourist spots na maaari mong pasyalan. Ngunit pinili namin hindi matagal sa labas. Bagkus napagkasunduan namin dal'wa na gugulin ang huling araw sa paglalakad sa dalampasigan. Panunuod ng movies at pag iimpake ng aking gamit. Dalawang malaking maleta ang aking dala na puro damit ang laman at mga bagong damit pang bata na binili ko pa sa France. Tinawagan ko rin ang may ari ng rest house para makapag pasalamat at ipaalam ang aking pag alis. Pati rin ang aking kaibigan at katrabahong si Sheina na siyang nag alok sakin ng lugar. P

