8 YEARS LATER. Padilim na ang kalangitan ng maisipan kong lumabas at tignan ang papalubog na araw. ''ang ganda...'' bulong ko ng bigla akong mapasinghap ng malalim ng maramdaman ko ang lakas ng hangin. Muli ko nanamang naalala ang mga nangyari sa mga nakalipas na anim na taon. Flashback... Inchie's Point of view.. Labing isang bwan ng coma si kaze pero hindi pa rin ito nagigising mula ng maoperahan ang tumor nito sa ulo. kaya naman ng mga panahong yon hindi kona alam ang gagawin ko, maliliit pa lang ang kambal ko, na madalas na nasa pangangalaga ng byanan ko, dahil ako ang madalas nagbabantay kay kaze sa hospital ayoko kasing iwan ito dahil baka bigla itong magising ng hindi ako ang katabi.. ''hindi kapaba magpapahinga ate?'' tanong ng hipag ko. Kasalukuyan din itong nagbabantay

