3

3050 Words
kinabukasan ay maagang pumasok sa trabaho si Roxanne 'Roxanne.." pagagaw ng attensyon nya kaya napalingon si Roxanne sa taong tumawag sa kanya at nakita nito ang manager nila sa warehouse na si mr Dominguez, tumayo naman sya ng maayos at bumati ng good morning dito, napansin din nya ang ilang mga kasamahan nya especially si jess na nakatingin sa kanya 'naaprobahan ko na yung leaved mo." anito 'pagkatapos mo pwede kana umalis agad." nakangiting saad nito. napatango na lamang si Roxanne habang ang ibang mga ka work nya ay nakataas ang kilay sa kanya.. 'iba din, parang kahapon lang tinapunan si sir Laurence ng paint, ngayon nakapag leaved pa, ang kapal talaga." iritang saad ni jess.. hindi na lamang iyon pinatulan ni Roxanne at nagkibit balikat na lamang, 'kasalanan ko ba na ang boyfriend ko ay isa sa mga boss." usal ni Roxanne sa sarili kakaout pa lamang ni Roxanne ng may huminto agad na kotse sa harap nya, agad naman niya itong binalingan, agad naman siyang napangiti ng makita ang driver, nito saka sumakay sa kotse. 'I miss you babe."malambing na saad ni Zack 'I miss you too babe, ang tagal din natin di nakakapagdate.'' usal ni Roxanne 'uo nga babe, sorry medyo busy lang talaga." pag papaliwanag ni Zack. 'ok lang yun, I understand hindi ko lang maiwasan na miss ka." aniya saka humalik sa pisngi nito 'can I have one more kiss." hirit ni Zack habang nakapout pa napatawa naman si Roxanne at binigyan nya ito ng mabilis na halik 'ang bilis naman," pagrereklamo ni Zack 'isa pa plss.. pangungulit nito inulit naman ni Roxanne ang halik but this time ay hinawakan sya ni Zack at maalab syang hinalikan nito nagtagal ng minuto ang halikan nila ng medyo nagtatagal na sila ay pinalo sya ni Roxanne sa braso, napaaray naman si Zack 'bakit, para saan yun? takang tanong ni Zack habang nakahawak sa parteng tinamaan ng dalaga. 'nakakahiya Zack nasa kalsada tayo." ani Roxanne.. napatawa naman si Zack 'sorry babe." nakalimutan kong nasa daan nga pala tayo, napakasarap mo kasing halikan." pilyong saad ni Zack kaya pinalo syang muli ni Roxanne na bahagya pang namula sa sinabi nito 'ikaw napaka pilyo mo." pigil na kinikilig na usal ng dalaga, napangiti naman si Zack habang pinagmamasdan si Roxanne, 'you're so cute babe." anito saka pinatakbo ang sasakyan kasalukuyan namang nagbabasa si Laurence ng lapitan ito ni Cedrick 'bro, balita." pagbungad ni Cedrick 'meron ba dapat." ani Laurence sabay nakipag bro hug dito 'wala paba si Zack." pagtatanong ni Cedrick... 'wala pa!." akala ko magkasama kayo saad ni Laurence 'sinundo yung girlfriend nya." sabat ni Yuan at nakipag bro hug sa mga ito bahagya naman napasimangot si Laurence 'isasama pala nya ang bwisit na yun." loob loob nito napansin naman ni Cedrick ang pagbago ng mood ni Laurence 'bro, wag mo sabihin na hanggang ngayon ay iritable ka parin sa girlfriend ni Zack." anito hindi naman umimik si Laurence at muling itinuon ang attensyon sa binabasa 'look bro." bakit di mo muna itry na makipagkasundo sa kanya, mukhang mahal talaga sya ni Zack, and besides magkasundo naman kayo ni Kate, so bakit hindi kayo magkasundo ng kapatid nya." ani Yuan napabaling naman sa kanila si Laurence 'alam mo malayong malayo ang babaeng yun sa kapatid nya." inis na usal ni Laurence nagtinginan naman si ced at yuan na parang nagkakaintindihan ang mga ito at napapailing na lamang sa inaakto ni Laurence. 'ang babaeng yun napaka gaslaw para nga syang lalaki kumilos, hindi katulad ni Kate na mahinhin, isa pa, napaka bungangera nya, paano naman kami magkakasundo? tapos puro kamalasan ang dala nya sa akin." eksaheradong saad ni Laurence na wari iritang irita sa dalaga natawa naman si yuan at ced ng maalala kung paano napunit ni Roxanne ang damit ni Laurence 'anong nakakatawa?." singhal ni Laurence sa mga ito kaya natahimik ang dalawa... 'hay!!! baka malasin nanaman ako ngayong nandito ang babaeng yun." usal pa ni Laurence.. 'hindi naman siguro bro." ani Yuan.. 'just try to be more friendly to her for Zack." dagdag pa ni ced.. 'ano pa ba ang magagawa ko, ewan ko ba kung anong nagustuhan nya sa babaeng yun di naman kagandahan." inis na saad ni Laurence.. nagtawanan naman si ced ay yuan na ikinakunot ng noo nya. 'bro, may maganda ba para sayo?." panguuyam ni ced na ikinakunot ng nuo niya. 'bro, na try mo na ba sya titigan." ani Yuan 'hindi, at bakit ko naman gagawin yun." inis na saad ni Laurence.. 'kaya naman nasasabi mo yan." dagdag pa ni Yuan 'maganda si Roxanne, sa totoo nga nyan she's hot, hindi mo lang nakikita pero maganda talaga sya, no wonder na kapatid sya ni Kate." dagdag pa nito, nag kibit balikat na lamang si Laurence 'wala akong planong makita yung sinasabi mo." napapailing nitong sabi. napailing na lamang si ced at yuan sa sinabi nito. 'basta bro, be more friendly to her and be careful na din." natatawang saad ni ced sinamaan ito ng tingin ni Laurence, pagak naman napatawa ang dalawa sa nakitang reaksyon ng kaibigan. ilang sandali mula sa mahabang byahe nila Roxanne, pinark ni Zack ang sasakyan sa tapat ng isang napaka gandang bahay, ang lawak at ang ganda ng buong lugar, napa wow naman si Roxanne sa pagka mangha. 'sabi ko na magugustuhan mo dito." ani Zack.. nakangiti namang bumaling si Roxanne sa kanya 'uo sobrang refreshing ng lugar, anito. 'halika na sa loob pagaaya ni Zack." saka hinawakan ang kamay nito at isinama papasok sa villa, nag patianod naman si Roxanne pag pasok nakita naman ni Roxanne si Monique at Kate habang masayang nagkkwentuhan ang mga ito at masaya niya itong binati, nakangiti naman siyang sinalubong ng mga ito, nanduon din si Elise na inimbita ni kenzo. muli naman bumalik ang pagdududa niya sa kapatid dahil sa narinig niyang sikretong kausap nito sa phone, malakas ang kutob niyang may itinatago ito. napaisip tuloy si Roxanne 'hindi kaya si Kenzo ang kausap nito sa phone." usal ni Roxanne sa sarili.. 'ayos ka lang Roxanne parang wala ka sa sarili." pagpuna ni Kate. 'ahh..o-oo ate wala yun." utal na saad ni Roxanne 'mga best andyan na pala kayo." pagagaw ng attensyon ni Daphny 'andito ka din pala." masayang usal Roxanne saka yumakap sa kaibigan, napatawa naman si Daphny sa inakto nito, 'oo inimbita ko sya." ani Kate 'mabuti nakapunta ka dito kahit busy ka, sobrang namiss kita best." masayang saad ni Roxanne, napatawa muli si Daphny sa kaibigan.. 'uo nga e, kaya nga ako nagdecide na pumunta, nakaka stress na ang kakawork." anito kasalukuyan silang nagkakasayahan magkakaibigan ng mapabaling si Roxanne kay Laurence na kasama ni Zack. 'naku, nakalimutan ko andito nga rin pala sya." bulong niya sa sarili. at naalala ang nagawa nito noong nakaraang araw lang, 'yari ako sana matapos ang bakasyon na ito ng payapa at walang gulo." kinakabahang usal niya habang nasa villa naging maayos naman ang takbo ng lahat, masayang nagkkwentuhan ang lahat habang si Laurence ay nanatiling tahimik kagaya ng lagi nitong ginagawa, 'ano kaya problema ng taong ito." mahinang usal ni Roxanne sa sarili ng mapansin na hindi manlang nakikisalamuha sa kanila si Laurence pagkatapos naman nilang mag lunch ay isinama ni Kenzo at Shaun sina Daphny at Elise para magikot ikot, habang si Kate at Liam ay nasa kwarto lamang kasama si Lindon, inaya naman ni Zack si Roxanne na maglakad lakad at masaya naman sumama si Roxanne kay Zack habang naglalakad sila, kitang kita ang ganda ng buong paligid at ang aliwalas ng hangin sa buong lugar, hindi naman mapigilan ni Roxanne ang mapangiti sq ganda ng tanawin na nakikita, inaya pa ni Roxanne si Zack na mag selfie gamit ang phone ni Zack, kahit ayaw nito ay wala din itong nagawa at pinagbigyan ang nais ng dalaga, nag take sila ng selfie at ginawa iyong wall paper ni Roxanne sa phone ni Zack... 'yan para lagi mo akong makikita." nakangiting saad ni Roxanne, napangiti naman si Zack dito, saka yumakap sa dalaga. habang nasa terrace ng villa si Laurence naagaw ang pansin nya ng dalawang taong masayang naglalambingan sa ibaba, si Zack at Roxanne, napangisi naman ito ng hilaw, 'ano ba yan ang o.a. ng dalawang ito, sobrang inlove akala mo nasa drama." inis na bulong ni Laurence, hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit naiinis siyang makita si Zack at Roxanne na naglalambingan kahit sanay na siyang makakita ng mga couple, 'ano ba nagustuhan ni Zack sa babaeng yan?." inis na saad nito. napailing na lamang sya saka pumasok sa kwarto. isang araw pa lamang ang lumipas pero kinailangan ni Zack na umalis agad dahil nagka urgent sa bahay nila, kahit ihatid si Roxanne pabalik ng manila ay di na nito nagawa, humingi naman ito ng dispensa kay sa dalaga, nauunawaan naman ito ni Roxanne, nakiusap na lamang si Zack kay Yuan na ihatid ito pauwi kinabukasan. habang nagpapalipas ng oras ay naisipan ni Roxanne maglibot, nakita naman nya ang care taker ng villa at agad niya itong nilapitan. 'hello po manang." masayang bati ni Roxanne dito. nakangiti naman itong bumaling sa kanya, 'magandang umaga hija, may kailangan kaba?." pagtatanong ng matanda 'ahh, manang saan po kayo pupunta?." pagtatanong naman ni Roxanne. 'ahh..ito ba?." pagtukoy ng matanda sa mga bitbit na balde at basket 'wala gusto kasi ni sir Laurence ang sariwang isda kaya mangingisda kami, may malapit kasi na pala isdaan dito, bakit mo naitanong hija." saad ng matanda.. 'pwede po ba akong sumama." ani Roxanne.. 'sige hija, kung yun ang gusto mo." masaya naman sumama si Roxanne sa matanda kasama ang apo nitong binatilyo na syang katulong nito sa pangingisda. 'matagal na po ba kayo dito?." pagtatanong ni Roxanne matagal na ako kay sir Laurence nag ttrabaho, pero dito sa villa bago lamang kasi kakabili pa lamang ni sir ng villa." ani ni manang rosita, napa aahh." naman si Roxanne 'alam mo sobrang bait nyan ni sir Laurence, pinagaral nya ang mga apo ko, at binigyan pa nya ako ng bahay dito kaya sobrang pasasalamat ko talaga sa kanya." saad nito 'talaga! may mabuting side naman pala ang masungit na yun, hindi halata." usal niya sa sarili... habang nangingisda ay masayang masaya si Roxanne dahil first time nya makahuli ng isda,n pero naout of balance sya kaya nahulog sya sa ilog, mabuti na lamang at marunong syang lumangoy. 'nasaan si Roxanne." natatarantang saad ni Yuan. 'ha!! hindi mo ba kasama " pagtatanong ni Liam napatingin naman sa kanila si Kate na nagtataka. 'naku binilin pa naman siya sa akin ni Zack." alalang saad ni Yuan, sobra naman silang nag alala dahil inisip nila na maaring nadukot ito ng hindi nila namamalayan, sa dami ng gustong kumalaban sa grupo nila ay di ito imposibleng mangyari. nag aalalang hinanap ng lahat si Roxanne, ng wala silang makitang bakas nito sa villa, naisip ni Laurence na hanapin ito sa labas 'sinasabi ko na nga bang sakit ng ulo ang dala ng babaeng yan sa amin." frustrated na bulong ni Laurence sa isip habang masayang nagtatampisaw sa tubig si Roxanne, wala itong kamalay malay na nagkakagulo na ang lahat sa paghahanap sa kanya, pababa na si Laurence papunta sa ilog kung saan nangingisda ang mga taga roon, agad naman niyang namataan si Roxanne na masayang nangingisda habang basang basa ang buong katawan, bakat sa suot nitong damit ang gandang taglay ng katawan nito, parang huminto ang lahat sa mundo ni Laurence at tinitigan ang ganda ng dalaga, mula sa maganda nitong mukha pababa sa malaki nitong hinaharap pababa sa kurba ng katawan nito hanggang sa malusog nitong pangupo at magagandang mga biyas, hindi naman napigilan ni Laurence ang makaramdam ng init at parang natutuyuan siya ng laway dahilan para mapalunok ito, bigla na lamang tumunog ang phone nya dahilan para mapabalik sya sa reyalidad. si Liam ang tumatawag kaya sinagot nya ito agad 'bro, anong balita?." pagtatanong nito, 'nakita ko na sya." ani Laurence, saka iniend ang call lumapit naman ito sa dalaga, nagulat pa si Roxanne dahil masama sya nitong tinitigan. 'ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!." singhal sa kanya ni Laurence di naman nagawa ni Roxanne ang magsalita sa sobrang pagkabigla. 'bakit may problema ba?." mahinahong pagtatanong ni Roxanne. napangisi naman ng hilaw si Laurence... 'hindi mo alam! nag aalala ang lahat kung nasaan ka nagpunta, habang ikaw nandito at nagpapakasaya, hindi kaba nahihiya sa mga taong naiistorbo mo, napaka irensponsable mo at makasarili, sana naisip mo manlang magpaalam kay Yuan bago ka nag punta dito." singhal sa kanya ni Laurence. bahagya naman syang napaluha, dahil nasaktan sya sa sinabi nito, pero hindi niya ito pinahalata, ibinaba nito ang hawak na pamingwit saka bumaling sa matanda na nabigla din sa nangyari. 'sorry po kung nakagulo ako sa inyo." paghingi ng dispensa ni Roxanne sa matanda 'hindi ayos lang hija." anito saka walang imik na umalis ang dalaga at nilagpasan si Laurence. 'saan ka naman pupunta!? walang emosyong tanong ni Laurence 'saan paba, edi babalik na ako." pagalit na sagot ni Roxanne, habang patuloy sa paglalakad, napailing na lamang ang binata sa inakto ng dalaga, naramdaman naman nya na nakasunod si Laurence sa kanya. napangisi naman ang binata sa kanya, 'bakit alam mo ba ang daan pa balik." saad nito na may bahid na ng pagkainis. 'simula ngayon ako na bahala sa sarili ko kaya umalis kana." sigaw nito kay Laurence. si Laurence naman ang nabigla dahil walang sumisigaw sa kanya na kahit sino, sa sobrang inis ay dirediretso itong umalis, 'bahala ka sa buhay mo, sakit ka sa ulo." sigaw ni Laurence at saka walang lingon nag diretso ng lakad. nang malapit na sa villa ay naisip nito ang ginawa, nakaramdam sya ng pagaalala, napasabunot pa sya sa sarili, 'ang babaeng yun sinusubok ang pasensya ko." usal ni Laurence na napasipa pa sa punong nakita niya, kaya kahit labag sa loob ay nag madali syang bumalik para hanapin ang dalaga. habang si Roxanne naman ay mag isang naglalakad sa nag tatasang mga damo, nakaramdam na sya ng kaba dahil alam nyang nawawala na sya, ni wala ng daan sa tinatahak nyang daan. 'hayy...dapat kasi di na ako nagpadala sa galit ko ee." inis na saad ni Roxanne sa sarili, basang basa pa ito dahil sa pagkahulog sa ilog habang nagingisda. may nakasalubong syang dalawang lalaki. wala naman siyang sinayang na pagkakataon at agad na lumapit sa mga ito, 'ahh excuse me po, pwede po ba mag tanong?." panimula ni Roxanne. alam nyo po ba ang daan papunta sa malapit na villa dito, pagtatanong niya. 'oo, ani ng isang lalaki, sige kung gusto mo samahan ka nalang namin."saad ng mga ito nakahinga naman ng maluwag si Roxanne sa sinabi ng mga ito, may ilang oras na silang naglalakad pero hindi parin matanaw ni Roxanne ang villa at kung tama ba ang dinadaanan nila, napansin na lamang nya na parang masyado nang liblib ang pinagdalhan sa kanya ng dalawa, bahagyang kinabahan si Roxanne lalo na ng makita nyang nagbubulungan ang mga ito, 'teka, saan nyo ba ako dinadala lakas loob niyang tanong sa mga ito, 'saan pa ba edi sa villa." saad ng isang lalaki. hindi naman umimik si Roxanne, kahit nakakaramdam ng matinding takot, bahagya siyang humakbang paatras at mabilis syang nagtatatakbo pabalik, ngunit mabilis syang nahabol ng dalawang lalaki, 'saan ka pupunta? nakangising saad ng isang lalaki, at pinagpalitan nilang itulak si Roxanne habang nagtatawanan, impit naman umiiyak si Roxanne, 'ano ba kailangan nyo." sigaw ni Roxanne 'wala naman gusto lang namin makipag laro sayo." ani ng lalaki.. nahintakutan si Roxanne ng hatakin sya nito at isandal sa isang puno at idiniin nito ang katawan sa kanya, itinulak naman ito ni Roxanne ng buong lakas at ng bahagya itong matumba ay agad itong pinalo ng dalaga ng batong pinulot nya, saka tumakbo pero agad syang nahawakan ng isa pang lalaki, 'bitawan mo ko!." sigaw ng dalaga 'bwisit ka!! ang sakit ng ginawa mo ha!." galit na saad ng lalaki na pinalo nya ng bato. pumulot din ito ng malaking bato, nahintakutan si Roxanne ng makita nitong ipapalo sa kanya ang bato, napapikit na lamang sya at inaantay na tumama iyon sa kanya ngunit walang tumamang bato sa kanya, at napamulat siya, nakita naman niya si Laurence na hawak ang kamay ng lalaki, sa unang pagkakataon nakaramdam ng saya si Roxanne ng makita si Laurence. 'ano ba yan! wala naman kayong taste sa babae." saad ni Laurence habang hawak ang kamay ng lalaki na may hawak ng bato. 'mamili naman kayo ng maganda, hindi yung talo pa ang lalaki."dagdag pa nito. 'sino kaba!." singhal ng isang lalaki sabay sugod kay Laurence, inuundayan nito ng suntok si Laurence pero agad naman iniiwasan ni Laurence, ng bigyan ito ng binata ng suntok sa sikmura ay napabagsak ito, nagulat naman ang kasama nito ng makita na bumagsak ang kasama nya ng walang kalaban laban, binitawan nito si Roxanne upang sumugod kay Laurence, kumuha ito ng malaking kahoy at inundayan ng palo ang binata, ngunit hinawakan lamang ito ni Laurence sa kamay nito ay pinilipit, napaluhod naman ang lalaki sa sakit, saka tinadyakan ni Laurence at napabagsak ito 'sir, sorry hindi na namin uulitin." pagmamakaawa ng mga lalaki 'talaga ha!." saka pinagsisipa ni Laurence at nagtatakbo ang mga ito, si Roxanne naman ay nanatiling tahimik 'sinabi ko na sayo pero ang tigas ng ulo mo, nakita mo na kung anong nagyari." singhal ng binata 'oo na, ikaw ng tama! ako na ang iresponsable at makasarili, ako na rin ang sakit sa ulo, ikaw perpekto ka at walang ginawa kahit na anong mali! sino kaba sa tingin mo para pagsalitaan ako ng ganun." sigaw ni Roxanne habang tuloy tuloy na tumutulo ang luha nabigla naman si Laurence ng makita ang dalaga na umiiyak. 'bakit? sa tingin mo ba ginusto ko lahat ng nangyari, at lahat ng kapalpakan ko!!usal ng dalaga habang lumuluha, hindi naman malaman ni Laurence ang gagawin para patahanin ito, sa unang pagkakataon nataranta sya at di malaman ang gagawin 'ano ba! bakit kaba umiiyak?." maang na tanong ni Laurence 'tinatanong mo pa! ikaw itong akala mo kung sino para husgahan ako." galit na saad ni Roxanne 'pwede ba tumigil kana." mahinahong saad ni Laurence habang nasa iba nakatuon ang paningin, di nya magawang tignan ng diretso ang dalaga, sa hindi maipaliwanang na dahilan ay naakit sya sa ekpresyon ng mukha nito
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD