mabigat ang dibdib ni Roxanne na umuwi, mula sa restaurant kung saan sila nag usap ni Gio, nanghihinayang siya sa pagkakaibigan nila ni Gio, ngunit hindi niya pwedeng ipilit na ibalik ang pagkakaibigan nila, lalo na at masasaktan lamang si Gio, umaasa na lamang siya na maging masaya din si Gio, at maibalik ang pagkakaibigan nila, ilang sandali pa ay narating na niya ang gate ng bahay nila, agad niyang nadatnan si Laurence na nilalaro si Sam, parang lahat ng mabigat sa dibdib ni Roxanne napalitan ng saya ng makita ang mag ama niyang masayang naglalaro, 'it is all worth it." bulong ng isip ni Roxanne habang pinagmamasdan ang mga ito, nabalingan naman siya ni Laurence, at masaya siyang sinalubong ng mga ito, 'mommy." usal ni Laurence na parang batang papalapit kay Roxanne habang karga karga s

