pag dating ni Laurence ay agad na hinanap nito si Roxanne. at natagpuan niya ang dalaga na masayang nag luluto.
pinagmasdan lamang ito ni Laurence. na wari ba ninanamnam ang kagandahang taglay ng dalaga habang masayang nagluluto.
mas lalong lumawak ang ngiti sa mga labi ni Roxanne. ng makita si Laurence na nasisiyahan sa panonood sa kanya.
'andyan kana pala." nag prepare na ako ng dinner natin." ani Roxanne. nilapitan naman ito ni Laurence. at hinagkan sa noo. 'hindi kaba nainip dito sa bahay." saad ni Laurence.
umiling naman si Roxanne bilang tugon.
'mabuti naman kung ganon, anong niluto mo." ani Laurence.
'chicken curry." sana magustuhan mo.
ngumiti naman si Laurence. 'I'm sure masarap ito, kaya talagang magugustuhan ko, saka nag simulang kumain, napataas pa ang kilay ni Laurence ng matikman ang luto ng dalaga kaya napa thumbs up ito. 'masarap talaga." pagpuri ni Laurence dito.
simula ng nanatili sa bahay niya si Roxanne. ay ito na ang nagasikaso sa kanya. mula sa mga kinakain nya vitamins at may ipinapainom pa itong tea sa kanya, para daw makatulog siya ng maayos. pero simula ng sinasamahan sya sa pagtulog ni Roxanne ay nakakatulog na sya ng maayos, basta nararamdaman nya na nasa tabi lamang nya ito. napansin din nya ang pag ganda ng built ng katawan nya. bagay na sobrang gustong gusto nya kay Roxanne. ang natural nyang maalaga. at plus nalang na maganda ito.
'kamusta sa work mo? pag tatanong ni Roxanne.
tumango naman si Laurence, everything is fine. magagaling ang mga kasama ko kaya madali natatapos ang mga trabaho." saad ni Laurence.
'Roxanne, from now on, wag kang lalabas ng hindi ko nalalaman, sana ayos lang iyon sa iyo?." ani Laurence.
napuno naman ng pagtataka si Roxanne, pero may tiwala sya kay Laurence, kaya tumango na lamang siya at masayang nginitian ang binata.
tahimik ang paligid habang nagbabasa si Laurence ng libro, si Roxanne naman ay katabi nito habang nagtitipa sa kanyang phone.
kasalukuyan silang nasa terrace ng bahay, kung saan matatanaw ang garden may iilan ding matataas na puno na syang nagsisilbing harang sa sinag ng araw. habang inuugoy sila ng banayad na hangin. lahat parang napaka payapa. at tanging sila lamang. napangiti si Laurence ng tinignan si Roxanne.
'ano ang pinagkakaabalahan mo? pagtatanong ni Laurence."
ngumiti naman si Roxanne.
si Cedrick kinakamusta nya kung maayos ba daw ang lahat at kung nagawa ko naman ang lahat ng bilin nya." anito.
napatawa naman si Laurence.
'alam mo para ka talagang leader ng mafia. isipin mo kumikita ka kay Cedrick, tapos may gwapo ka pang boyfriend." natatawang saad nito..
bahagya naman siyang tinapik ni Roxanne. 'grabe ka naman hindi ba pwedeng kailangan ko lang ng pera, saka inisahan nya ako noh!! pinapirma nya ako ng kontrata para lang maitali ako sayo."
natawa naman si Laurence sa inaakto nito. dahil sa hindi nya malamang dahilan ay hindi siya naiirita kundi lalo pa siyang nahumaling sa kakulitan nito.
kung kailangan mo ng pera, I am here to help you babe."anito.
'no!." pagtanggi ni Roxanne. 'hanggat maari gusto ko na pinaghihirapan ko ang pera ko. alam kong mayaman ka at maliit lang na halaga para sayo iyon, pero sayong pinagpaguran iyon. at hindi sa akin." anito.
napangiti naman si Laurence dahil napahanga sya sa dalaga.
'ang cute mo talaga." ani Laurence sabay pisil sa magkabilang pisngi nito.
napa aray naman si Roxanne. at sinamaan ng tingin si Laurence. 'ikaw masakit yun ahh." anito.
sabay kurot sa tagiliran ni Laurence. dahilan para makiliti ito.
'sorry, lovers to disturb you. pero Laurence you have to read this." biglang singit ni Yuan na kararating lang kasama si Liam.
napasiryoso naman si Laurence.
'okay, sa office tayo." ani Laurence.
saka bumulong kay Roxanne. 'wait for me to our room." tumango naman si Roxanne. saka naunang umalis paakyat.
tumungo naman sina Laurence sa office nito. saka tinignan ang sobreng dala ni Yuan.
nakita nito ang isang invitation sa isang biding event pero isa itong illegal na subastahan.
ng basahin nya ang pangalan ng nag padala ay napasiryoso si Laurence.
nakapangalan ito kay Lance Simone.
isa sya sa mga list na nasa profile na binigay ni Riley.
'harapan silang nag dedeklara ng digmaan." ani Liam.
siryoso naman tumuon si Laurence kay Yuan. 'ano? may nakita kanaba na kakaiba? pagtatanong nito.
'wala! sa tingin ko hindi nila tayo minamanmanan, ewan ko kung bakit?
di kaya minamaliit nila tayo?." ani Yuan.
'sa palagay ko hindi. sa tingin ko ginawa nila yun sa mas maingat na paraan." ani Laurence.
dahilan upang lalo silang magulumihanan.
'ipacheck nyo lahat ng employees na madalas natin makasalamuha. lahat sila. baka nasa loob sila at hindi sa labas." ani Laurence.
'ngunit kung iisa isahin natin sila mahihirapan tayo." saad ni Liam
ngunit agad naman tumugon si Yuan.
'kung ganon sabihan mo ang lahat na magingat at mag matyag sa paligid. hindi natin masasabi kung ano ang susunod nilang hakbang. ani Laurence.
tumango naman si Yuan bilang tugon dito.
'bro. anong plano mo kay Roxanne?." pagtatanong ni Liam.
itatago ko muna si Roxanne sa isang safe na lugar. ganon din ang pamilya mo." ani Laurence.
'tumango naman si Liam.
mas maganda siguro kung magkasama na lamang sila ni Kate." suhestyon ni Liam.
'sige! sa ngayon sa safehouse ko sila ipapadala." ani Laurence. sa ngayon bantayan muna natin ang mga maaring mangyari." dagdag pa nito.
'bro, pero papaano si Zack? diretso nitong tanong. napatuon naman si Laurence.
'sa totoo lang hindi ko pa alam, pero isa lang ang sigurado ako. mahal ko si Roxanne." pagtatapat ni Laurence.
'sana maging maayos na kayo bro, lalo na sa pagkakataong ito." ani Yuan.
'sana nga! saad ni Laurence.
ng makaalis sila Liam ay agad na nagtungo si Laurence sa kwarto at nakita nito si Roxanne na mahimbing na natutulog.
nilapitan nya ito at masayang pinagmasdan, hinimas niya ang pisngi nito na parang isang napaka halagang bagay nun para sa kanya.
'Roxanne, for the first time, I feel afraid of my circumstances. I dont wanna be away from you." sinserong saad nya. sa nahihimbing na si Roxanne.
napangiti naman si Laurence. sa ayos ng dalaga, nakadapa kasi ito at bahagyang naka laylay ang mukha at kamay sa kama. 'may nag sabi naba sayo na para kang panda. you're so cute and adorable."
natatawang saad nya dito.
saka iniayos ng higa ang dalaga.
Roxanne's POV
nagising ako na madilim na. nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto pero wala duon si Laurence.
nasa office pa kaya siya? bulong ko sa sarili.
agad naman ako nagtungo sa kusina at naabutan ko si manang edna na nag peprepare ng lulutuin. matagal na siyang nag tatrabaho kay Laurence. siya ang tagaluto at nag aasikaso dito sa bahay ni Laurence.
manang." pagtawag ko sa kanya ngumiti naman ito ng makita ako.
'ma'am may ipapagawa po ba kayo?." anito.
'naku! wala, itatanong ko lang po sana kung nasaan si Laurence? saka wag mo na akong tawagin na ma'am naiilang kasi ako." saad ko sa kanya.
napatawa naman ito. 'sige hija, kung yan ang gusto mo." anito
ngumiti naman ako sa kanya.
si sir Laurence, nasa opisina nya, pumunta sya sa kwarto nyo kanina bago muling bumalik sa opisina." saad nito
'kung ganon bumalik pala sya? siguro nakatulog na ako noon." saad ko sa sarili.
'manang anong lulutuin mo?." pagtatanong nya.
'ahh..kare kare hija." saad nito. mahimbing kasi ang tulog mo kaya sabi ni sir, ako na ang bahalang magluto ngayon." dagdag pa nito.
ngumiti naman ako sa kanya. 'manang baka kung okay lang sayo, ako nalang ang mag luto?." malambing kong saad. habang hawak ang mga kamay nito.
napangiti naman si manang edna. 'sige na nga! ikaw talaga lagi mo akong dinadaan sa lambing mo." anito
masaya naman akong ngumiti dito.
saka nag umpisa ng magluto.
madali ko lang natapos ang pag luluto dahil naiprepare na ni manang ang mga sangkap.
ng makapagluto ay nag ayos muna ako ng sarili bago inihanda ang hapag, dahil gusto kong maging presentable kay Laurence.
'Kuya," where are you. biglang sigaw ng kakararating palang na babae. at parehas kaming napatigilan ng mag tagpo ang tingin namin.
'Roxanne?," anito na nagtataka.
'Lorraine." saad ko. na awkward naman ako. paano na? anong sasabihin ko. para naman akong napipi dahil hindi ko magawang umimik.
'Lorraine," sweetie andyan ba ang Kuya mo?." ani ng isang ginang. na kahit may edad na ay lutang parin ang kagandahan nito.
napatuon naman sa akin ang ginang. dahil nakatitig lang sa akin si Lorraine.
'bakit nandito ka? pagtatanong nito sa akin.
di naman ako maka imik, anong sasabihin ko? tarantang saad ko sa sarili.
'why sweetie?." do you know her? pagtatanong ng ginang.
'darling! mabuti pa sa dining nalang tayo mag antay." ani ng isang may edad na lalaki. natigilan naman ito ng makita ako. 'miss pwede mo bang tawagin si Laurence." anito tumango naman ako. aalis na sana ako ng dumating si Laurence.
'mom, dad, ani Laurence sabay beso sa mga ito. bigla yata ang dating ninyo, hindi kayo nagpasabi saakin para ipinasundo ko na kayo.
'surprise nga kuya." ani Lorraine. lumapit ito kay Laurence at bumeso.
pero mukhang kami ang nasurprise. dagdag pa nito na bumaling sa akin.
grabe ang kabog ng dibdib ko. dahil nahihiya ako sa mga magulang nya. paano kung hindi nila ako gusto at palayasin nila ako, or sabuyan ako ng tubig sa mukha kagaya ng sa mga romantic drama. 'hayy...katapusan naba ito ng love story ko?. naiilang akong ngumiti sa kanila.
lumapit naman si Laurence sa akin sabay hinapit ang bewang ko. 'my god!, feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha." siguradong pulang pula na ako.
'mom, dad, this is Roxanne. she's my girlfriend, pagpapakilala nito sa akin. kita ko naman ang pagkabigla sa mukha ni Lorraine. malamang malaki ang pagtataka nya. dahil alam nito na si Zack ang boyfriend ko.
'go-good evening po, pasensya na po kung hindi ko po kayo nabati agad." saad ko.
'really?,son?." ani ng ginang.
'sabi ko na aayaw sila sa akin. sino ba naman ang papayag na isang hamak na tulad ko lang ang makarelasyon ng anak nila. sa estado ng buhay namin napakalayo."
ngunit nabigla ako ng yakapin ako ng ginang. 'wow!, for the first time may pinakilala din ang anak natin Lex. anito na masayang masaya.
malayo sa naimagine kong scenario.
nakangiti naman na lumapit sa akin ang dad ni Laurence.
'hija, nice meeting you. anito. na bumeso pa saakin. now I know na nagmana talaga sa akin ang anak ko, magaling pumili." anito.
tipid naman akong ngumiti sa sinabi nito.
'syempre dad, ako paba kelan kaba na dissapoint sa mga choice ko. preskong saad nito. na umakbay pa sa akin.
napatawa naman ang parents ni Laurence dahil sa sinabi nito.
'come on. kain na tayo si Roxanne ang nag luto." ani Laurence.
'really! nagluluto ka? mabuti kapa?." ani ng ginang. 'ako kasi ilang beses ko ng sinubukan pero laging failed." saad nito.
na tinawanan ng lahat.
'okay, lang iyon darling," love na love parin kita kahit laging sunog ang itlog na niluluto mo." ani ng daddy ni Laurence.
nagsimula na kaming kumain sa hapag, habang ako naman ay tense na tense sa kung magugustuhan ba nila ang niluto ko.
napatango naman sila ng matikman ang luto ko. kaya bahagya akong nakahinga ng maluwag.
'you made a right choice anak. she's a good cook kaya palagay akong aalagaan ka nya ng mabuti." ani ng mom nya. para namang lumaki ang tenga ko sa sinabi nito.
napansin ko nga na gumanda ang pangangatawan mo anak." ani ng dad ni Laurence.
'its all because of Roxanne. dahil siya ang nagalaga sa akin." pagmamalaki ni Laurence.
nahiya naman ako.
'thank you hija, for taking care of my son." ani ng mom nito.
naku tita!," wala po iyon." saad ko.
'call me mommy from now on hija." anito.
natigilan naman akong napatingin kay Laurence. ngumiti naman ito sa akin.
'sige po mommy, saad ko
tama yan start from now on mommy at daddy na ang itawag mo sa amin." ani ng dad ni Laurence.
ngumiti naman ako kahit naiilang.
pagkatapos namin kumain ay nagstay kami sa gazebo sa may rooftop.
habang si Laurence ay kausap ng daddy nya about business. si Lorraine naman ay busy sa pag tipa ng phone nya, ano kaya ang iniisip nya?
napansin ko naman ang paglapit ni mommy ryn.
'naku hija, ito ang kaunaunahang may ipinakilala ang anak ko. kaya pasensya kana kung masyado akong makulit." paghingi ng paumanhin ni mommy ryn.
ngumiti naman ako, 'ayos lang po iyon. nakakatuwa nga po kayo." saad ko.
'talaga hija." natatawang saad nito.
'alam mo ang anak ko na yan, masyadong advance kung mag isip. masaya ako na may anak akong ubod ng talino at maabilidad. pero minsan naiisip ko sana katulad na lamang sya ng ibang anak. dahil sa mura nyang edad ay daig pa nya ang umako ng responsibilidad ng mundo." malungkot nitong saad.
'bakit naman po?." pagtatanong ko.
ngumiti naman ito sa akin.
alam mo ba 18 palang sya ng simulan nila ang business nila ng mga kaibigan nya, and lumaki yun agad. hindi rin namin yon inasahan sa totoo lang, mas malaki na ang business ng anak ko kesa sa family business namin. pero dahil din duon kaya naman sobra ang pagaalala ko dahil napapabayaan nya ang sarili nya, kayâ malaki ang pasasalamat ko na nandyan ka para alagaan sya, hija, nagpapasalamat talaga ako ng sobra sayo, dahil makakahinga ako ng maluwag na may magaalaga na sa kanya." saad nito.
'naku! mommy," wala po iyon. masaya po akong gawin yun para kay Laurence." saad ko.
'kayâ nga nakakasiguro ako na aalagaan mo siya." saad nito na nakangiti sa akin.
'tignan mo Laurence. ang mom mo ayaw pakawalan si Roxanne. pagbibiro ni daddy lex. natawa naman ako. sa sinabi nito,
'ano kaba darling, masaya lang ako na makilala ang girlfriend ng anak ko." ani mommy ryn.
yumakap naman sa akin si Laurence.
habang si daddy lex ay yumakap din kay mommy ryn.
'ang ganda nyo kasing pag masdan, saad ni daddy lex.
na tinawanan ng lahat,
'ikaw Lorraine? siguraduhin mo lang na yung manliligaw sayo kaya ang kuya mo." saad ni daddy Lex dito.
'dad, naman ee. saan naman ako hahanap ng ganun? meron ba makakatalo dyan kay kuya?." anito na nagmamaktol pa.
napuno ng tawanan ang gazebo sa amin.
sadyang masayahin at mapagmahal ang pamilya ni Laurence. namiss ko tuloy ang pamilya ko. simula kasi ng magasawa si ate Kate, halos hindi na din kami nakokompleto na kagaya ng ganito.
yung simpleng paguusap lamang pero makikita mo ang matinding koneksyon sa bawat isa.
naramdaman ko naman ang pagyapos ni Laurence sa likod ko. 'pagod kanaba?." alalang tanong nito. umiling naman ako bilang tugon. 'are you sure?." dagdag pa nito.
'I'm okay." saad ko.
'hija, magpahinga kana. at si Laurence gusto ka lang nyan masolo, kaya nagaaya yan. natatawang saad ni daddy Lex,
ngumisi naman si Laurence, na hindi naman itinanggi ang sinabi ni daddy Lex.
'grabe nakakahiya." usal ko sa sarili.
'come on babe, lets go!." pagaaya nito at hinawakan ang kamay ko. nagpaalam naman ako sa kanila bago nag patianod kay Laurence na nagmamadali masyado.