EP.28

1121 Words
Kaliwa't-kanan ang bitbit na grocery bag ni Cecil. Hindi siya magkandauto sa pagbitbit ng mga ito nang mabangga siya ng isang matandang lalaki. "What the?!" asik ni Cecil matapos mabitawan ang mga bitbit at kumalat sa sahig. "So sorry, Miss. But I've been really hungry for days and my knees literally grow weak and smushy. Can you lend me some of your food? I'm begging you, please..." pakiusap ng matanda. Tinitigan ni Cecil ang matandang lalaki. Luma na ang suot nitong damit na bukod sa butas-butas na ay napakadumi pa. Grabe rin ang amoy nito na para bang ilang buwan ng hindi naliligo. "Sir, you can't bump someone like that because you are in need. You can approach me nicely and I will give what you needed if you just do it in a nice way." sita ni Cecil. "Now, I have to pick them up because it was all scattered in the floor. Such a waste of time, I'm in hurry, do you know that?!" patuloy niya. "Please forgive me young child, can you share me a bit of your understanding? A poor old man like me has only few times left." Ani ng matanda. "Okay. You can have this all." ani Cecil, sabay abot ng isang bag na puno ng pagkain. "Thank you so much! Your parents must be so proud because they have raised you with a golden heart!" "Stop saying flowery words in front of me. I'm not that dramatic," saway ng dalaga. Akmang aalis na siya ngunit muli siyang nahawakan ng matanda sa kamay. Pinigilan siya nito na umalis kaya naman nagsalubong na ang magkabila niyang kilay. "Young child, since you help me with my food. Can you please bring me to my house? It's somewhere near here, I can't bring the heavy bag by myself. I am too weak, I hope you can help me one last time." Napatingin ang dalaga sa matanda, nasa mata nito ang pagsisisi kung bakit pa ito nakinig at nakipag-usap rito. Ngayon tuloy ay kailangan niya pa itong ihatid sa bahay nito. "My house is just a few blocks away. It won't take long." "Okay, fine!" labag man sa kalooban ay walang nagawa si Cecil kung hindi samahan ang matanda. Bitbit ang dalawang bag sa magkabilaang kamay ay tahimik siyang sumunod rito. Napansin niya na kakaunti lamang ang bahay sa lugar na iyon. Isa kasi iyong bakanteng lupa na tinayuan ng mga maliliit na building na sa katagalan ay inabandona ng ibang may-ari dahil lumipat na ang mga ito sa mas magandang lugar. Nagmistula tuloy na ghost town ang lugar. "We are here," untag sa kanya ng matanda. Gamit ang tungkod nito ay itinuro sa kanya ang abandonadong building na nasa tabi nito. Sira-sira na ito kaya naman nakakapagtaka na dito nakatira ang matanda. "Are you sure you live here? The building looks rustic. There is a frequent earthquake here in Taiwan. Aren't you afraid that this will collapse while you're inside?" Ani Cecil. "I am just an old man who can't afford such a luxury. Of course I live here even it's dangerous. I have no choice, anyway." anito. "Can you please put the grocery bag in my kitchen?" dagdag nito sabay turo sa isang pinto. Sumunod naman kaagad ang dalaga at mabilis na tinungo ang kusina. Pagtingin niya sa loob ay isang sirang silya at lamesa lamang ang naroon. Ni walang pinggan o ano pa man sa loob nito. Sa katunayan, puno ng alikabok ang buong paligid na parang wala naman talagang nakatira roon. Napapitlag ang dalaga nang marinig ang pagtunog ng kanyang cellphone at kaagad iyong sinagot pagkakita sa pangalan ni Audrey. "Hey, Audrey! Are you going to pick me up?" Bungad niya. "Yeah, but I am stuck in a traffic jam near your home. According to the police, somebody had died near your area." ani Audrey. "Died? Why? I was outside right now, I bought some foods to bring on our trip. But suddenly an old guy approach me and ask for help." "Old guy?" "Yeah, don't worry. I'll go home soon. Wait for me there, okay?" ani Cecil. "Okay, hurry home. Don't make me wait for too long," bilin ni Audrey. "Got it, bye!" ani Cecil. Pagkatapos nilang mag-usap ay ibinulsa na ng dalaga ang cellphone at naghanda na sa pag alis. Ngunit pagpihit niya ay nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman ang matalas na bagay na biglaang bumaon sa bandang sikmura niya. "Argh! W-what d-did you d-do to m-me?" nanlalaki ang mga matang nasabi ng dalaga habang nakatingin sa kanina lamang ay isang mahinang matanda. Ngunit ngayon ay nag-iba na ang hitsura nito at naging tila malakas pa sa demonyo. Ngumisi ang lalaki at nagsalita, "You can't take Audrey with you. She will stay here, beside me and not around you or anyone. She's mine!" dilat na dilat ang mga matang sambit ng lalaki. Hindi pa man nakakabawi sa sakit at pagkabigla ay muli na namang inundayan ng paulit-ulit na saksak ng lalaki si Cecil. Tumalsik ang dugo nito sa dingding at sahig dahil sa marahas na pag-unday nang saksak ng lalaki. Hanggang sa tuluyang bumagsak na walang buhay ang dalaga. Nang masigurado na hindi na ito humihinga ay hinawakan nito ang kanang paa ng dalaga at hinila patungo sa likod ng building kung saan may napakalalim na hukay. Hindi na napansin ng binata ang pagkalaglag ng cellphone ng biktima habang hinihila niya ang katawan nito. Pagkatapos ay walang pag-aalinlangan na initsa roon ang katawan ng dalaga at pagkatapos ay nilagyan niya ng limang truck na buhangin na nakahanda na sa gilid. Ang lugar pala na iyon ay hindi abandonado kung hindi ay pagtatayuan muli ng three-storey apartment. At iyon ay pag-aari ng isang negosyante na walang iba kung hindi si Dylan Zhang. Nang masiguro na natapunan na ng maiigi ang katawan ng dalaga ay bumalik ang lalaki sa loob para linisan ang mga dugo na nagkalat sa sahig at dingding. Kailangan niyang linisin ang pinangyarihan ng krimen para walang ebidensya na mahita ang mga awtoridad kung sakali. He can't be caught. Marami pa siyang kailangang gawin upang magkasama sila ni Audrey. Once na matanggal niya ang mga balakid sa pagsasama nila ng pinapangarap na dalaga ay matutupad na ang mga dati ay imahinasyon lamang niya. "Just wait for me, Audrey... We will be together soon!" parang baliw na anas ni Dylan habang nakatitig sa maliit na litrato ni Audrey na nakalagay sa kanyang wallet. Dylan's obsession with Audrey cost her bestfriend's life. And he will took more life if he will not get caught. Because after her bestfriends, Dylan is starting to make a plan to annihilate her family, too. And that is something that no one would ever imagine to happen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD