EP.05

2072 Words
Ilang beses pa nagpaikot-ikot si Sinica sa napakalaki niyang salamin na nakakabit sa kanyang walk-in closet. Gusto niyang siguraduhin na maayos ang kanyang suot at make-up. She has to look at her best, and even a small wrinkles is not allowed to show its glory tonight. "Madam Sinica, the car is ready according to Elvis," untag sa kanya ni Laura habang nakasilip sa kanya. Napasulyap siya sa ginang at kita niya ang labis na paghanga nito sa kanyang hitsura at kasuotan. "Do I look good?" Tanong niya kahit alam na niya ang isasagot nito. "No doubt, madam! You looked stunning just like a goddess, I'm sure your husband will drop his jaw as soon as he sees you!" Puri nito. "Really? Then, I must be going now. Maybe Apollo was already there waiting for me. A good wife never let her spouse wait for hours, am I right?" sambit niya sabay kindat kay Laura. "Absolutely!" She grabs her small handbag and quickly leaves her room. Kaagad siyang sumakay sa kanyang elevator at pinindot ang ground floor kung saan nakapark ang kotse niya. Napataas pa ang kilay niya nang huminto ang elevator sa ika-90th floor ng gusali. Hindi na siya nagulat nang makita na si Veronica ang nag-aabang dito. "Oh my! What a heaven's luck, nice to see you, Sinica! Are you going now at Zhongshan?" Bungad nito sa kanya, wala itong pasintabi na pumasok sa elevator at tumabi sa kanya. Bahagya pa siyang umusod para hindi sila nito magkadaiti ng balat. "I guess so, don't tell me you're going there now, it's too early for a guest." Seryosong sabi niya sabay sulyap sa red gown na suot nito na pinaresan ng nagkikislapang diyamante at black stilettos. Sa tingin niya ay pinaghandaan rin ni Veronica ang gabing iyon kagaya niya. Siguro ay umaasa rin itong makakabingwit ng magiging kasosyo nito sa negosyo. Ganoon naman talaga ang party ng mga mayayaman, hindi sila dadalo kung wala silang mapapala. "Oh, well! Please don't get me wrong, my husband Stephen, will meet me at another hotel next to your boutique. And since my husband is going to be a little late, I was asked to wait for him a little while." Paliwanag nito sa kanya habang plastikadang nakangiti. "I see," tipid niyang sagot. Hindi na siya kumibo pa hanggang sa makarating sa parking area. She doesn't want to waste her time talking to Veronica because it's useless. "What an arrogant old hag, you're just lucky that you had Apollo. If not, you're life wouldn't be any good, stop being arrogant Sinica. The world is round, I'm afraid one day, you'll end up losing everything you have." Ani Veronica sa isip habang pailalim na tinitingnan ang katabi. She won't deny the fact that she's a little bit insecure with what Sinica is wearing. Sa tingin niya ay nagmukha siyang alalay sa tabi nito. "Don't dream, Veronica, we're not on the same level. Your money is not even enough to compete with my money alone." Ani naman ng isip ni Sinica. "Fine! You're richer than me, so what? One day, I'll show you that I can have more money as much as yours. When that time comes, you can never belittle me anymore!" "Fine, show me! Stop blabbering around, you're not even a dog." Ani naman ni Sinica. Parehas nagtagisan ng titig ang dalawa na waring naririnig ang mga sinasabi ng bawat isa. "I got to go, bye!" Maarteng paalam ni Sinica at iniwan ang ginang na nagkukutkot ang kalooban. Ang parking area kasi ng pamilya ni Apollo ay nasa upper part kumpara sa mga tenant na nasa Basement 1 at Basement 2 pa (B1 & B2). "Huh! Alright, go on. What can I do if you have the upper hand now, if I only have one wish in this lifetime that is to see you below me. And I swear to heaven and to all the deity, that I will trample you with all my might!" Gigil na anas ni Veronica. "Good evening, madam, this way please!" Salubong ni Elvis sa kanya nang mamataan siya nitong papalapit sa nakapark niyang sasakyan. "Thank you, how's everything?" Usisa niya kaagad pagkasakay. "Rona said that some of your guest, couldn't wait much longer, thus, they gather inside the boutique already," "What a headache, they're rich anyway. Why they can't behave like being one!" Iritable niyang sabi. "Somebody leaked that Mr. Cheng will arrive soon, they couldn't wait to meet him. That explains everything." Pagak siyang tumawa bago nagsalita, "So, you're telling me that without Apollo, no one will bother to celebrate with me?" Nakatikwas ang kilay niyang sabi. "That's not what I meant, madam. I am sorry if I talked so much." Hinging paumanhin ni Elvis. Tumingin siya sa labas ng bintana para pakalmahin ang sarili. Hindi niya gustong masira ang mood sa ganitong oras dahil baka hindi niya makontrol ang sarili. Sa kabilang banda ay nagpalit na si Apollo ng suot niyang tuxedo dahil ayaw niyang makipag-meet sa mga kakilala na ang pinantrabaho niya pa rin maghapon ang suot niya. Papalabas na siya nang opisina ng tawagin siya ni Carla. "Mr. Cheng, you have an urgent phone call. Would you like to take it?" Tanong nito. "Urgent phone call? From whom?" Takang tanong niya, ngunit umiling lang ang dalaga para sabihing hindi nito kilala ang caller. He grab the phone and ask who the caller was. "Aren't you coming to see me tonight?" Ani ng boses sa kabilang linya. "Not tonight, I'm sorry. I have an important business meeting tonight, I hope you understand..." Pakiusap niya. "Are you kidding me, Apollo? For how many times do I have to wait in vain? I've been asking you to see me for a couple of times, but all you have to do is to promise! Those damn promises that you never ever did, I'm so tired of you!" Singhal ng caller sa kabilang linya. Bahagya siyang nakaramdam ng kaba dahil nagiging histerikal na ang kausap. Ayaw niya itong magalit dahil may pagka-suicidal ito. "Calm down, okay? Rest assured that I will go after you tonight, can you give me a little time to meet with my prospect clients?" "Shut up, how about this? You'll go to your wife's party or I'll end my life tonight," banta nito. "What did you say?" "I know what is going on, Apollo! Don't you dare, lie with me! I did my research, you will attend at Sinica's banquet, right?" Tugon nito. Napaawang ang mga labi niya sa narinig. Alam pala nito kung saan siya pupunta ngayong gabi, kaya siguro ito nagmamaktol. "Listen to me, I have important clients that happens to be invited and I have to show there or else I'll gonna lose potential business partners. Please, give me your understanding..." "Your business or me. The choice is yours." Sagot ng kabilang linya. "I'm in the nearest hotel next to your wife's boutique. If you're not going to show yourself here in an hour. Then, consider yourself losing me forever." Muling sabi nito bago ibinaba ang telepono. Napapikit ng mariin si Apollo sa narinig. Kilala niya ang kausap at hindi ito nagbibiro. Ilang beses na itong nagtangkang magpakamatay kapag hindi niya nasusunod ang gusto. "Mr. Cheng, your wife just called to asked you to come sooner. Some guests are eager to speak with you." Untag sa kanya ng driver niyang si Eddie. Marahas siyang napabuntong-hininga bago naglakad. Sumunod naman kaagad ang sekretarya ngunit pinigilan niya ito. "You should stay here in the office Carla, I believe you still have a lot of works to do. I think, you won't be needed tonight." Baling niya rito. "I understand, Mr. Cheng, thank you!" Anito sabay yukod. "And you too," baling niya rin kay Eddie. "But Mr. Cheng, can you drive by yourself?" Alalang tanong nito. "Of course! You can go home now, here's money for your taxi." Aniya sabay abot ng ilang libo mula sa kanyang wallet. "Got it." Sagot ni Eddie. Kinuha niya ang susi ng sasakyan at mabilis ang mga hakbang na tinungo ang parking area. Nagmamadaling pinaarangkada niya ang sasakyan at tinungo ang nais niyang puntahan. Nasa kalagitnaan siya ng pagmamaneho ng biglang mag ring ang cellphone niya. Si Sinica ang caller, kaya hindi niya ito sinagot. Nang mga oras na iyon ay mas mahalaga siyang puntahan. Sinica on the other hand can wait a little longer. Nakakangilong tunog ng goma ang pumailanlang sa tapat ng hotel na hinintuan ni Apollo. Pinagtinginan siya ng mga tao pagkaibis niya mula sa sasakyan ngunit wala siyang pakialam. Iisa lamang ang nasa isip niya nang mga oras na iyon, ang iligtas ang taong malapit sa kanyang puso. Humahangos siyang nagtungo sa receptionist at nagtanong rito sa mababang tinig. Waring naiintindihan naman ng kausap ang ibig niyang pahiwatig kaya pasimple nitong inabot ang room key ng pupuntahan niya. Walang lingon-likod na tinakbo niya ang hagdan papunta sa 3rd floor ng gusali. Hindi na siya nag-abala pang sumakay sa elevator dahil marami itong sakay at ayaw niyang makipagsiksikan, isa pa wala na siyang oras pa. Pawisan na siya sa kakatakbo ngunit wala siyang pakialam, pinagtitinginan na rin siya ng mga tao at huli na kung tatakpan niya pa ang kanyang mukha. Hindi naman siya kilala ng mga ito kaya hindi rin siya nag-aalala. Hingal-kabayo siyang nakarating sa room 202 at agaran iyong binuksan at pumasok sa loob. Bumungad sa kanya ang ilang talutot ng rosas na nagkalat sa sahig at ang mga kandila lamang ang nagsilbing liwanag sa buong silid. Humakbang siya ng ilang beses at mula sa kanyang likuran ay may mga bisig na yumakap sa kanya. "I knew it, you're also scared to lose me..." Mahinang bulong nito. "Why do you have to scare me like that? I am also planning to stay a night with you after Sinica's banquet..." Mahina niya ring sabi. "I can't wait that longer, I've been missing you so much -- and a day or night without you is like a living hell to me." Anito. "I thought you understand where we stand right now," sagot niya. "Of course, I do! But you leave me no choice, you put me in a hell hole without you around. Do you even know how hard it was for me to survive?" Naghihimutok na sabi nito. Humarap siya sa kausap at mahigpit itong niyakap. "I'm sorry if I made you live that way, just wait a little longer. We're almost there... When all of my plans succeed, we will runaway from here, we will go to a place where it's just the two of us, just like our plans years ago, remember?" Sa tingin niya ay napakalma niya ang kausap dahil ngumiti na ito ng matamis. "Don't ever think of leaving me that fast, honey..." Malambing nitong sabi. Hinila nito ang necktie niya papalapit sa kama na puno rin ng mga talutot ng rosas at itinulak siya nito pahiga. Pagkatapos ay tinanggal rin nito ang roba na tanging suot nito at tumambad sa kanya ang seksing katawan nito. Pagkatapos manawa ng tingin ay lumapit ito sa kanya at siya naman ang unti-unting hinubaran. At aaminin niyang sobra rin siyang nasasabik sa kasama. Mabilis niya itong sinunggaban para halikan at sa isang iglap ay parehas nilang pinagsaluhan ang sarap at tamis ng bawal na pag-ibig. Ilang minuto na silang tapos magtalik ngunit parehas pa silang nakahubad. Walang may gustong tumayo dahil parehas pa hindi makabitiw sa yakap ng bawat isa. "Would you like some wine?"usisa ng kasama. "Why not? Give me some," tugon ni Apollo. Tumalima naman kaagad ito at nagsalin ng mamahaling alak sa kopita na nasa gilid ng mesa. Pagkatapos ay iniabot sa nakaupong si Apollo. "Cheers!" Ani Apollo sabay lagok ng alak. Ramdam niya ang init at pait ng alak sa kanyang lalamunan ngunit hindi niya iyon pinansin. Masaya siya na sa sandaling panahon ay muli silang nagkasama ng taong pinakamamahal niya. "Want some more?" Tanong nito. "Yes, please!" Sagot niya. Ayaw niyang tanggihan ang kaharap dahil baka magtampo na naman ito. Dahil maya-maya lamang ay magpapaalam na siya rito na pupunta kay Sinica. Nakatatlong kopita pa lang siya ng alak ngunit nakaramdam siya ng matinding pagkaliyo. Tila umiikot ang kanyang paligid hanggang sa tuluyan siyang igupo ng antok. Inayos ng kanyang kasama ang kanyang pagkakahiga at tumabi rin ito muli sa kanya. "Sleep well, honey... You deserve to rest, too." Wika nito bago gawaran ng halik ang natutulog na si Apollo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD