EP.19

1276 Words
Pagkatapos girl bonding ng tatlo ay nagkanya-kanya na sila. Si Audrey ay dumiretso na sa crib para magpahinga, pakiramdam kasi ng dalaga ay naubos ang lakas niya sa kakaisip ng mga problema. Si Cecil naman ay dumiretso sa kamag-anakan nito dahil may kukunin daw na home-made baochi na gawa ng lola nito. Samantalang si Sydney ay nagpasya munang maglakad-lakad sa Neihu Park para mag exercise na rin. Ang balak niya ay uuwi siya kapag madilim na, para matutulog na lang siya pagdating. Ang park na iyon ay mayroong man-made pond at maraming alagang koi fish. Magaling ang namumuno sa park kaya nami-maintain nila ang kalinisan at kaayusan ng lugar. Ang mga koi din ay maingat na inaalagaan ng caretaker para siguradong ligtas ang mga ito at hindi basta mamamatay. Isa pang rason ay nagiging sanhi ng atraksyon ang mga isda sa turismo ng buong Neihu. Nagpasya rin ang dalaga na gumawa ng mga videos sa lugar at kumuha rin siya ng mangilan-ngilan na litrato gamt ang gopro 7 niya. Nang mapagod ay nagtungo siya sa liblib na bahagi ng park kung saan hindi siya kaagad makikita ng mga tao. Balak niyang pakainin ang mga koi ng pasekreto. "Hey, miss! Why are you alone at this hour?" ani ng isang boses lalaki mula sa likuran niya. Nakadungaw siya sa pond at kasalukuyang binibigyan ng pagkain ang mga isda kahit pa mahigpit iyong pinagbabawal. Akala ng dalaga ay nahuli na siya ng caretaker kaya mabilis niyang itinago ang lalagyan nito. "Yes? What can I help you?" aniya, hindi niya pa nakikita ang kaharap niya dahil abala pa siya sa paglilinis ng mga kamay. "This place is kinda dangerous for a lady like you. The cctv cameras are way too far to catch you, and you're also far from people. If something bad happen to you at this place, no one will ever no." ani ng lalaki. Nakaramdam ng discomfort ang dalaga. "I'm sorry, I gotta go, then." aniya. Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya ay mabilis siya nitong nahawakan at marahas na itinulak malapit sa pond. Hindi siya marunong lumangoy kaya naman labis ang pagkasindak ng dalaga. "The koi fish must be really thankful that you feed them, why don't you join them instead? They would be really happy eating your decomposing body at the bottom of the pond." "N-no! P-please d-dont k-kill me!" hindik na wika ng dalaga ngunit mabilis siyang nahawakan ng lalaki sa bibig. "Don't ever think of screaming, lady. I might loosen my grip and let you sunk in the bottom," babala ng lalaki. "I'm not going to make a scene, just promise to let me go..." naiiyak na wika ng dalaga. "You know what, I have this lady that I really like... I followed her everywhere because I think she needs me and my protection. But something happened today that made my blood boils in anger. Her friend mocks me in front of her as if I am a criminal. Can you believe that?" wika ng lalaki. Batid ni Sydney na ang lalaking iyon ay ang tenant nila Audrey sa crib. Ngunit bakit siya pinagdiskitahan nito bigla? Dahil lang ba sa sinaway niya ito? "I am so sorry, I didn't know that you're just making her safe," ani ng dalaga, habang malakas ang sasal ng t***k ng puso niya. Katiting na lang kasi ng lupa ang natatapakan niya at mahuhulog na siya. "I hate nosy people, you know?" ani ng lalaki. "And because you're a bad girl, you need some beating." ani ng lalaki bago siya inundayan ng malakas na suntok sa sikmura. Halos mawalan ng ulirat ang dalaga dahil sa sakit. Sa sulok ng mga mata niya ay naghahanap siya ng taong makakatulong sa kanya ngunit pagabi na at mangilan-ngilan na lang ang tao sa park. At nasa bandang liblib siya kaya lalong nanghina ang dalaga. "Look, I am really sorry for what I did, please forgive me. I won't tell anyone about this, please let me go," nanghihina niyang pakiusap sa lalaki ngunit tila bingi ito. "You're not a friend that Audrey should keep. I am sorry, but I have to let you go." ani ng lalaki sabay bitaw sa kanya. Saktong pag andar ng fountain sa gitna ng pond ang pagbulusok ng katawan ni Sydney sa tubig. Nagawa pang hawakan ng dalaga ang nakasaklob na hoodie ng lalaki ngunit nabitawan niya ito at hindi sinasadyang makalmot ang leeg ng kanyang attacker. At dahil hindi marunong ang dalaga ay dire-diretso itong lumubog sa 7' feet na tubig. Maburak sa ilalim nito at pinipilit ng dalaga na makaahon kaya naman hinawakan niya ang lahat ng pwede niyang hawakan. Nahila niya ang baging ng lotus ngunit dahil mabigat siya ay hindi siya nito mahila pataas. "Oh God, please help me!" piping sambit ng dalaga habang pilit na nagkakawag sa tubig. Malapit na siyang maubusan ng hangin sa baga ng walang anu-ano ay bigla itong nagkikisay-kisay kasabay ng pagpatay-sindi ng ilaw sa fountain at buong paligid hanggang sa tuluyang ilukob ng kadiliman ang buong park. Ginamit iyon ng lalaki upang patalilis na umalis sa lugar na iyon na parang walang nangyari. Sumabay ito sa ilang namamasyal na napilitan nang umuwi dahil sa dilim. Samantalang ang mga caretaker naman ng park ay naging abala sa pag-aayos ng kuryente na ang hinala nila ay nag malfunction sa gawi ng fountain. Inabot ng trenta minutos ang pag-aayos ng mga ito kaya napilitan sila na isara ang park pansamantala. Kinabukasan ay maagang nagising si Audrey dahil may usapan sila nila Cecil at Sydney na pupunta sila sa Chiang-Kai Shek para magliwaliw. Maraming bulaklak sa paligid ng pasyalan na ito maging sa Shilin kaya naman iyon ang nais nilang puntahan. Una niyang tinawagan ni Sydney ngunit hindi niya ito mareach kaya nagpasya siyang tawagan si Cecil. "Did you talk to Sydney this morning? I couldn't reach her," ani Audrey. "Me, either. The last time we had our conversation was around 5:30 in the afternoon. She said, she was about to feed the koi fish in the pond. She even send me a videos and pictures." sagot ni Cecil. "Then, where the hell is she?" takang tanong niya. Napabuntong-hininga si Cecil. Parehas sila walang ideya kung nasaan ang kaibigan, may nararamdaman na silang takot para rito dahil hindi tipo ni Sydney ang hindi pag update ng mga whereabouts nito. Lahat ng kibot ng dalaga ay nakapost sa sss at insta nito kaya nakakapagtaka na ilang oras na itong offline. "You know what, something is off... It's very unlikely of her being disconnected from us for too long." ani Cecil. "You know what? We should ask her parents about this or even some of her friends." ani Audrey. "We should not inform her parents of her disappearance these early, we are not even sure if she's really in danger. I don't want to scare them right now, what we have to do is to find her first." suhestiyon ni Cecil. Nag-agree si Audrey sa suhestiyon ng kaibigan, mabilis siyang naligo at nagbihis. Pagkatapos ay agaran siyang lumabas ng kwarto ngunit nakasalubong niya ang inang si Sinica na nakasuot pa ng pantulog. "Where are you going, this early?" takang tanong nito. "None of your business!" mariin niyang sagot rito. "D-did you just yell at me?!" singhal ng ina, sabay hawak sa braso niya. "Mom, I am not in the mood if you're just going to scold me." piksi ni Audrey, sabay lakad palabas. Naiwan si Sinica na nakaawang ang labi dahil sa ipinakitang kagaspangan ng ugali ng anak. "Since when did I have a deadbeat daughter?" pabulong na wika ni Sinica habang nakatingin kay Laura na nagulat rin sa inasal ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD