EP.10

2104 Words
Pagal ang buong katawan ni Agatha mula sa limang oras niyang photoshoot, mangyari kasi ay paiba-iba sila ng pwesto kaya naman nakakaubos talaga ng lakas. Gayunpaman ay hindi siya nagrereklamo sapagkat ang pagmomodelo ang pangarap niya. Buti na lamang at anak siya ng isang Apollo Cheng at Sinica Cheng, kaya naman hindi mahirap makakuha ng trabaho. "Agatha, are you tired or something?"usisa ni Astrid sa kanya. Si Hera naman ay inayos ang uupuan niya, samantalang si Cyla ay parating naman habang dala ang ilang drinks na binili nito para pagsaluhan ng mag barkada. "Doing all those crazy pose, indeed, I am tired," sagot niya habang minamasahe ang leeg. "We are really wondering why you're really into modelling. I mean, you're a daughter of a billionaire, why waste your time doing this, when your bank account is full?" usisa ni Cyla pagkarating nito sa pwesto niya. "This is not all about the money, this is about my dream..." sagot niya. Nginitian niya ang mga ito, batid niya na may nararamdamang paninibugho ang kaibigan sa kanya ngunit wala siyang balak awayin ang mga ito. Para sa kanya, ang trio ang isa sa nagpapasarap ng journey niya para mas lalo siyang maging ganado sa kanyang pagmomodelo. "How about boyfriend? Did you have one?" usisa ni Hera. Napangiti siya sabay sulyap sa tatlo. "Never had one," sagot niya sabay kindat kay Hera. "You're so picky, you're already at your age for finding one. Would you like us to help you?" pilyang tanong naman ni Cyla. "Don't bother yourself, girls! I am good." aniya. "You and your twins are really alike. Austin never want to a girlfriend. I am starting to think that he despises us," biglang bulalas ni Hera. "I think he's not gay if you're thinking that he's a she. Maybe he was not ready for a commitment. If you really like him, do everything to win his heart." aniya sabay kindat muli sa kaibigan. Tinawag na siya ng manager niya kaya iniwanan niya na muna ang tatlo na magkumpulan. Kapag sinabi ng photographer na start na ng shoot ay hindi siya nagpapahuli. She's a professional model and even though she's rich, hindi siya primadonna sa set. "How I wish we have that job too," ani Cyla. Nakapangalumbaba ito habang nakatingin sa kaibigan. "Well, if you want, work for it! Agatha never landed that job because she said she wanted it. She got that job because she worked really hard," ani Astrid. "Oh no, do you really believe that made-up story from her?" ani Cyla. "Why? What's wrong? She really worked on it," depensa ni Astrid. "Come on Astrid, don't play dumb! She got that because her parents has connections." pagpupumilit ni Cyla. "Stop that, guys! Agatha is coming, maybe both of you aren't willing to fight in front of her." ani Hera. Parehas silang nagsitahimik ni Astrid, dahil ayaw nilang makita o marinig sila ni Agatha na nag-aaway. Hahaba lang ang usapan at pagtatalo at ayaw nilang pati parents nila ay madamay. Ilang oras pa sila naglaging magkakaibigan sa lugar na iyon bago sila umuwi sa Apollo's Crib para magpahinga. Si Agatha ay dumiretso na sa kwarto niya at hindi na sumalo sa hapag-kainan. Samantalang si Cyla naman ay kausap ang inang si Veronica na abala sa pagpipinta nito. Isa sa libangan ni Veronica ay ang pagpipinta. "Mommy, can you help me with my dreams?" anito. "Dreams? Why? What's your dream, my princess?" "Well, I've thinking of pursuing my modelling career. I've seen Agatha today and it seems like that job is easy. Can you please help me talk to her parents to help me get some sponsorship?" Nag-isip ng bahagya si Veronica at napangiti siya ng maalala ang hawak niyang alas kay Apollo. Alam niyang wala itong magagawa kung hindi sumunod sa mga kahilingan niya huwag lamang mabunyag ang sekreto nito. "Okay, let's see what mommy can do." sagot niya sa anak. Malakas ang pakiramdam niya na maipapasok niya ang anak sa pagmomodelo sa tulong ni Apollo. Ang lalaki ang magpapasok sa anak niya sa ayaw nito at sa gusto. "Really mom? Oh my God! Thank you so much!" tuwang sambit ng dalaga kasabay ng mahigpit na yakap sa ina. "No worries, as long as you're happy my princess. Mommy will surely find ways." aniya, kinindatan pa niya ang dalaga para sa assurance. Habang nagpipinta ay nakabuo siya ng plano na kausapin si Apollo para sa anak. Pupuntahan niya ito sa ika-100th floor para kausapin. At hindi siya papayag na uuwi siyang luhaan. "What are you doing here?" usisa ni Sinica nang makita si Veronica sa sala na waring may hinihintay. Kakagaling lang niya sa meeting at ang babaeng ito agad ang mabubungaran niya sa kanilang pamamahay. "I am looking for Apollo, is he home?" anito. "Excuse me? Am I joke to you? I'm his wife, how dare you put an act like that in front of me!" "I came here for Apollo and not for you, so naturally, I will look for him," tila proud pa na sagot nito. "I can't believe that you really have the guts to act like that inside my house. Aren't you feel ashamed?" "Why would I? I am here for a business proposal, that's why I am looking for your husband. If he's not at home, tell him that I'm looking for him and he should reach me out tonight," ani Veronica. Kusa na itong lumabas ng bahay ng mga Cheng at tahimik na nagtungo sa elevator. Tamang-tama naman na iniluwa si Apollo niyon kaya nagpang-abot sila. "Let's talk," aroganteng wika ni Veronica. Nakatikwas pa ang kilay niya na para bagang tau-tauhan niya lamang ang kaharap niya. Nagpalinga-linga muna si Apollo bago nito hinila si Veronica kung saan walang ibang nakakakita sa kanila. "What do you need this time?" malamig na tanong ni Apollo. "I want my daughter to become a model just like your Agatha." tuwid nitong sagot. "Don't you think it is best to talk to Sinica about this?" "Sinica and I, have some issues and I'm afraid she's not that willing to help me." "That explains you--coming to me," "You're right! Do something about my daughter, and I promise you, this mouth of mine will completely shut forever." anito. "I see," ani Apollo. "Please do it, I don't want my daughter to keep waiting. I will give you three days to sort everything." ani Veronica, aalis na sana ito ngunit maagap na nahawakan ni Apollo ang braso ng ginang at hinila ito malapit sa open valcony kung saan grills lamang ang harang. Kung magkakamali ka ng kilos ay nakakatiyak ang paglagapak mo sa unang palapag na gutay-gutay. "What did you saw that night? Tell me..." mahina ngunit madiin na tanong ni Apollo. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa ginang na halos mapangiwi ito sa sakit. "I saw you with your lover," "Lover? Who? Have you seen me with that so called lover?" paniniyak niya. "I don't know who is she, I just saw you both in that room." anito na pilit hinihiklas ang pagkakahawak ni Apollo ngunit mas lalo pang hinigpitan ng lalaki ang pagkakahawak nito. "Liar! Do you wish to know what I hate the most?" nagliliyab ang mga matang tanong nito. "I'm not interested, just let me go! And do what I asked you to do!" ani Veronica. Mas nagpupumiglas pa ito lalo ngunit mabilis ang mga kamay ni Apollo na itinulak ang ginang sa gilid ng building. "You dimwit! Do you think I'm that easy?!" singhal ni Apollo. "I'm not a liar! I really saw you with that woman! You are cheating on Sinica!" angil nito. "We're just the two of us here, Veronica. Tell me what you saw that night and I will spare your life. If I were you, I would never dare to spread lies again. I know that you know something, don't make me lose my cool." ani Apollo. Hinawakan nito sa leeg ang ginang at walang habas na sinakal. "Tell me the truth or you'll never see your family ever again!" "L-let go of me A-apollo!" Kandautal na wika ni Veronica. Hirap na itong huminga dahil sa pagkakasakal ng lalaki. Nakakaramdam na rin ng matinding takot si Veronica dahil sa inaasal ng kaharap. "I will kill you!" Nanlilisik ang mga matang sigaw ni Apollo habang lalo pang hinigpitan ang pagkakasakal sa ginang. Nagtangkang kumawala ni Veronica ngunit wala siyang panama sa lakas ni Apollo. Ilang minuto siyang nagkakawag hanggang sa tuluyan itong mawalan ng malay. Kinabukasan ay isang malakas na tili ang pumailanlang sa buong crib. Lahat ay nagulantang at parehas nagsilabas sa kani-kanilang unit. "What the hell was that?!" Iritadong sambit ni Sinica. Nakasuot lang ito ng roba habang naglalakad papalabas ng kanyang kwarto. Nakita niya ang humahangos na si Laura na putlang-putla. "M-madam! S-someone d-died!" Kandautal nitong sabi. "W-what?! Died? Who died in my crib?!" Sabad ni Apollo. Nagising rin pala ito sa ingay kaya lumabas na rin ng kwarto. "According to the witness, the lady named Veronica was found lifeless while her body was hanging in the garden ceiling!" Hintakot na sagot ni Laura. Nagkatinginan ang mag-asawa dahil sa narinig. Kapansin-pansin rin ang biglaang pamumutla ni Apollo. Masisira ang reputasyon ng crib na pinaghirapan nilang itayo sa loob ng ilang taon. Hindi iyon mapapayagan ni Apollo. Kaya naman kaagad itong nagbihis ng pormal na kasuotan para labasin ang mga tao na nagkakagulo. Samantalang si Sinica ay nanghihina naman sa narinig. Ang pagbagsak ni Apollo ay kasawian rin niya. "Who would dare to kill somebody at our place?!" Gigil na sambit ni Sinica. Hindi ito makapaniwala sa mga nangyayari. "Should we call the police? They should be here to investigate the crime scene," ani Laura. "Are you crazy?! If this incident goes out to media, it will be the end of our crib!" Singhal ni Sinica. "Then how about her family? I'm sure they will not sit still regarding this matter." "Let Apollo handle this mess, don't ever think of going to police to report this. We'll find a better way to resolve this issue." Ani Sinica. Pagkarating ni Apollo sa pinangyarihan ng krimen ay nakita niya ang asawa nitong si Stephen at anak na si Cyla na umiiyak ng malakas. Labis na nasaktan ang mag-ama sa sinapit ng ginang. Nilinga niya ang paligid, mangilan-ngilan lamang ang naroon, kung sakali ay kaunti lamang ang patatahimikin nila Sinenyasan ni Apollo ang gwardiya na wala munang papapasukin at papalabasin. "What's going on here?!" Ani Apollo. Lumapit na siya sa mag-ama at halos mawalan ng lakas ang tuhod niya pagkakita sa bangkay ni Veronica. Nangingitim na ang labi nito at katawan. Halatang ilang oras na itong pumanaw bago pa natagpuan. "Somebody killed my wife! There is a murderer in your crib, Mr. Cheng!" Galit na sigaw ni Stephen. "Mr. Cheng, I am begging you, help us find the murderer! My mom died in the most horrible way. She must been so scared with her life! Please help us find justice for my mom!" Sabad naman ni Cyla. Humahagulhol ito ng iyak habang yakap ang bangkay ng ina. Pinakalma ni Apollo ang mag-ama at pagkatapos ay kinausap niya si Stephen ng masinsinan. Habang ang bangkay naman ni Veronica ay dinala sa bakanteng unit, kasama ni Cyla at iba pang staff. Maghihintay ang mga ito ng utos mula kay Apollo bago gumalaw. "Do you even know someone who's mad at your wife? Someone who wants her dead?" Panimula niya. Tinitigan niya ang reaksiyon ni Stephen. Biglang naglumikot ang mga mata nito. "I don't know but I need you to find my wife's murderer! This is your place, you must find a way to sack the culprit!" Angil ni Stephen. "Unfortunately, she died in our garden where surveillance cameras wasn't even installed yet." Ani Apollo. "Finding a culprit is like walking in a thread of ice, most especially if there is no witness to the said crime." Galit na galit si Stephen sa narinig at kaagad itong nagwala. "What do you mean by that? You'll let that killer roam around as if nothing happened? My wife died, Mr. Cheng! This is your place and it's your obligation to give what we needed during our hard times!" "Calm down, Stephen! If we're going to fight like this, do you think we will find the culprit? Don't let your emotions takes over you!" "Calm down?! How can you tell me to calm down when I just lost my wife?!" Singhal ni Stephen. "You don't want to help me? Fine! I guess it's better to report this to the police Galit na kwinelyuhan ni Apollo si Stephen at pinagbantaan ito na huwag ituloy ang binabalak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD