Malalim na ang gabi at tulog na ang dalawang kapatid ngunit gising na gising pa rin si Austin. Mailap ang antok para sa binata dahil sa dami ng tumatakbo sa kanyang isipan. Hindi niya matanggap na sa isang iglap ay magugulo ang tahimik nilang mundo. Tumayo siya mula sa silyang kinauupuan at tila wala sa sariling pumasok sa kwarto ng mga magulang, naupo siya sa silya kaharap ng vanity table ng ina. Tinitigan niya ang picture nito na nasa gilid ng mga gamit nito sa pagmemake-up. "I miss you so much, mom! I wish you were here..." anas niya. Hinaplos niya ang litrato nito habang patuloy sa pagsesenti. Napansin niya ang isang may katamtamang laki ng daily planner/diary ng ina. Hindi nila ugaling maglagi sa kwarto ng mga magulang at lalong hindi nila ugali ang mangialam ng gamit ng bawat isa. N

