Masakit ang buong katawan ni Welbert nang magising, pakiramdam niya ay binugbog siya ng sandamakmak na sanggano sa kanto. Iginala niya ang kanyang paningin at sumalubong sa kanya ang kadiliman. Hindi niya alam kung nasaan siya, ngunit napansin niya na nakatali na ang kanyang mga kamay at paa sa silyang kinauupuan. Pinilit niyang kumawala ngunit napakahigpit ng pagkakatali sa kanya na pakiramdam niya ay bumabaon na sa kanyang kalamnan ang lubid. "Help me! Help me out! Can anybody hear me? Let me out!" sigaw niya. Ngunit sa bawat sigaw niya ay wala ni isa man ang sumagot. Tanging kuliglig lamang ang kanyang naririnig at ang makukulit na ugong ng mga lamok na nagpi-piyesta na sa kanyang balat. "Help me! Let me out!" muli niyang sigaw ngunit wala pa rin siyang makuhang tulong. Sa tingin niya

