!!WARNING!! Pagkatapos namin maligo ni, sir Jeffrey, pinunasan niya ako at sinuotan ng roba, saka ako binuhat palabas ng banyo at inilapag sa kama. "Take a rest now MJ. Kailangan mo yun para mamaya." Aniya na tinalikuran ako at pumasok sa walking closet. Nang lumabas siya nakasuot na siya ng boxer shorts. Nakasunod lang ako sa bawat kilos niya at pinagmasdan ang bawat galaw niya. Napakunot ang noo ko ng kinuha niya ang blow dry at lumapit sa akin. "Ano po ang gagawin niyo sir?" Hindi nakatiis na tanong. "Talikod ka sa akin, at patuyuin ko ang buhok mo para makapag pahinga ka na." Saad niya na hinawakan ako sa dalawang balikat at pinatalikod sa kanya. Maya maya pa naramdaman ko ng mainit na hangin sa aking buhok habang sinusuklay niya. "Sir, ganito ka din ba kay maam Christina?" Tanon

