Isang linggo kami nag bakasyon ni Jeffrey sa Puerto galera, at sinulit namin na dalawa ang oras na magkasama kami. No, ako lang pala. Sinulit ko ang oras na mag kasama kami dahil alam ko sa pag uwi naman ay iiwan ko na siya at alam kong kamuhian biya ako sa magiging desisyon ko. Siguro nga mali na sumuko ako sa relasyon namin pero ito lang ang alam ko para hindi galawin ni Christina ang mga mahal ko, at para hindi rin siya ipakulong nito. “ Love?" Tawag ko sa kanya habang naka upi kami sa buhangin at hinihintay ang paglubog ng araw. “ Hmm?" Sagot niya sa akin. " Ano ang pinaka malaking pagkakamali ang nagawa mo sa buhay mo? “ Tanong ko at tumingin sa mga mata niya. “Bakit mo naman na tanong? “ Aniya sa akin pero nag kibit balikat lang ako. " Wala lang gusto ko lang malaman kung may n

