Nakatulala lang ako nakatingin sa akin computer at hindi maalis alis sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni sir Jeffrey. Willing siya ibigay sa akin ang lahat at gusto niya na lumipat ako sa apartment na binili niya. Napatingin ko sa puting sobre na nasa aking harapan. Hindi ko alam kung papayag ba ako sa gusto niya o ano. Pero hindi ba dapat pag usapan naming dalawa kung ano ang dapat na maging sitwasyon namin na dalawa kung sakali man na pumayag ako sa gusto niya. "Payag daw siya na makipag date ako sa iba. Eh, ang tanong okay lang din ba sa kanya na makipagtalik ako sa magiging ka date ko?" Tanong ko sa aking sarili. " Excuse me, Miss Gonzales, nasa loob ba si jeff? " napa angat ako ng tingin kay sir Jonathan ng tanungin ako nito. "Yes, po sir, may kailangan po ba kayo? Sandali lang

