Tahimik ang buong bahay habang nakaupo si Savion sa dining area na ginawang pansamantalang opisina. Ang ilaw mula sa laptop niya lang ang nagsisilbing liwanag sa madilim na silid. Malalim ang kanyang pagkakaupo, mata sa screen, mga daliri ay mabilis na nagta-type ng dokumento para sa pro bono case na matagal nang nananahimik pero ngayo’y muling binuhay. Ang kasong ito ay tumatak sa kaniya noon pa man—isang inosenteng lalaking nakulong sa kasalanang hindi niya ginawa. Isang kaso ng tanim-ebidensya, at ngayon, sa tulong ng bagong ebidensya at testimonya, may pag-asa itong mabuksan muli. Hindi siya binabayaran para rito, pero hindi iyon mahalaga sa kanya. Ang mahalaga—ang hustisya. "Coffee?" bulong ng boses ni Isabella sa likuran niya. Saglit siyang napalingon at nakita ang babae, hawak-ha
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


