WILD NIGHT WITH MR. MILLER KABANATA 58 SAGUTAN KATE MALIA’S POINT OF VIEW. “KATE…” banggit ni Apollo ng makita niya ako. Walang anumang gulat na ekspresyon sa kanyang mukha ngayon. Hindi siya nababahala na nakita ko sila sa ganung posisyon ni Camille ngayon. Nang tingnan ko si Camille ay ngumisi lang ito sa akin bago siya lumayo kay Apollo. “Bakit nandito ang babaeng ‘to?” malamig kong tanong at itinuro ko si Camille. Napatayo si Apollo at bumuntong hininga siya bago magsalita. “May pinapirmahan lang siya na mga documents, Kate. Ikaw, anong ginagawa mo rito? I thought you would fetch Ryle now?” seryoso na sabi sa akin ni Apollo ngayon. Napayukom ako sa aking mga kamao at mas lalo akong nakaramdam ng inis sa kanya. Bakit ang chill lang ni Apollo ngayon? Wala ba siyang pakialam

