WILD NIGHT WITH MR. MILLER KABANATA 11 THE HARDEST DECISION KATE MALIA’S POINT OF VIEW. FINAL Na ang desisyon ko, hindi ko sasabihin kay Apollo na nabuntis niya ako. Paninindigan ko ang sinabi ko sa kanya na hindi ako maghahabol. Ang nangyari sa amin… one night stand lang ‘yun. Hindi ko kailangan ang tulong niya para lang buhayin ang anak ko. Iba ang pinoproblema ko ngayon at ito ay kung paano ko sabihin ang totoo sa aking mga magulang. Sigurado ako na magagalit sila sa akin, pero hindi ko naman matatago habang buhay ang pagbubuntis ko. Malalaman at malalaman pa rin talaga nila ang tungkol dito. Kaya bago pa nila ako mabuking, sasabihin ko na sa kanila ang katotohanan. Ngayon ay nandito ako sa labas ng office ng aking mga magulang sa bahay namin. Sabado ngayon kaya nandito lang

