WILD NIGHT WITH MR. MILLER KABANATA 76 THE FIGHT KATE MALIA’S POINT OF VIEW. MAY SARILI NA akong sasakyan na bigay ni Apollo. Nakakahiyang tanggapin, pero ayoko naman na magalit siya sa akin kung hindi ko tanggapin ang regalo niya. At kailangan ko na rin talaga ng sasakyan dahil nahihirapan na rin akong mag commute, o hindi naman ay mag taxi dahil ang gastos na. Pero kahit na may sasakyan na ako ay hindi pa rin ako marunong mag drive. Ang sabi naman ni Apollo ay tuturuan niya akong mag drive kaya walang problema sa akin. Ngayon ay pauwi na kami ng aming bahay. At ang gamit na naming sasakyan pauwi ngayon ay ang regalo niya sa akin. Habang nagdadrive ngayon si Apollo sa sasakyan na bigay niya sa akin, tinuturuan niya rin ako ngayon sa mga kailangan kong tandaan sa p

