WILD NIGHT WITH MR. MILLER KABANATA 16 BABY KATE MALIA’S POINT OF VIEW. “KATE, ARE you okay?” muling tanong sa akin ni Apollo. Napakurap-kurap ako sa aking mga mata at inilayo ko ang aking kamay na nakahawak sa kanyang balikat dahil para akong nakaramdam ng kakaibang init sa aking katawan. “Saan ka nakatira? Ihahatid na kita sa inyo,” sabi sa akin ni Apollo at hinawakan niya ang aking braso. Para akong napaso sa kanyang paghawak sa aking braso kaya mabilis kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa aking braso at bahagya akong lumayo sa kanya. Nakita ko ang bahagyang pagkunot sa kanyang noo na para bang nagtataka siya sa aking ginagalaw ngayon. “O-Okay lang ako… nasa kabilang kanto lang naman ang bahay namin,” sabi ko kay Apollo at pinilit kong ngumiti sa kanya. Napatingin si A

