WILD NIGHT WITH MR. MILLER KABANATA 19 DUWAG KATE MALIA’S POINT OF VIEW. SIMULA NANG sabihin ko kay Apollo na huwag na siyang magpakita sa akin ay hindi na talaga siya nagpakita ulit. Kahit na naglalakad na ako sa may tabing kalye ay hindi ko na siya nakasalubong. Parang wala na ang presensya niya sa New York. Tuluyan na ba talaga siyang umalis? Ito naman ang gusto ko diba? Pero bakit parang iba ang nararamdaman ko? “Kate, kanina ka pa tulala diyan. Okay ka lang ba?” Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata ng marinig ko ang boses ni Daniel. Nandito kami ngayon sa park upang magpahangin. Tumigil na ako sa pag-aaral ko dahil malaki na ang aking tiyan at hindi ko na rin kaya ang pressure sa campus. Pero si Daniel ay nag patuloy pa rin sa kanyang pag-aaral. At lagi pa rin kaming nagkik

