WILD NIGHT WITH MR. MILLER KABANATA 27 MRS. MILLER KATE MALIA’S POINT OF VIEW. SI APOLLO ang naghihintay ngayon sa akin sa harapan. Hindi pwede na best man siya ng groom dahil wala naman akong nakikita na William sa paligid. At nakasuot din siya ngayon ng pang groom! Anong nangyayari ngayon? Bumagal ngayon ang aking paglalakad dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nakikita ngayon. I’m so confused right now! Sumasakit na ang ulo ko ngayon. “Kate!” Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata ng makita ko na lumapit na sa akin si Mommy ngayon. Pinanlakihan niya ako sa kanyang mga mata at hinawakan niya ako ngayon sa braso ko at pinilit ako na maglakad ulit. “M-Mom, what’s happening? B-Bakit iba ang pakakasalan ko? Nasaan si William—ang mga Yu? Bakit ang mga Miller ang nandito n

