WILD NIGHT WITH MR. MILLER KABANATA 21 TAMANG PANAHON KATE MALIA’S POINT OF VIEW. “HI, KATE. It’s been a while.” Akala ko talaga ay nakaalis na sila Ate Madi kaya lumabas na ako sa kwarto. Pero hindi ako makapaniwala na nandito pala ngayon si Apollo sa living room namin. Nakita ko ang ngisi sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin. At ako? Ito, sobrang lakas ng t***k ng aking puso at hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. “Oh! Buti naman at lumabas ka na ng kwarto, Kate! Si Ryle ba, nasa kwarto pa rin?” Nakita ko si Ate Madi na pababa ngayon at nang mabanggit niya ang panaglan ng anak ko ay nanlalaki ang mga mata ko at napa sulyap kay Apollo. Nakita ko ang pagkunot sa kanyang noo kaya sa taranta ay nahila ko si Ate Madi palayo kay Apollo ngayon. “A-Ate!” “Ano bang prob

