WILD NIGHT WITH MR. MILLER KABANATA 35 SELOSAN KATE MALIA’S POINT OF VIEW. HINDI KO talaga matanggap iyong ginawa ni Apollo na pag iwan sa akin sa may pool. Pakiramdam ko ay nabastos ako at na disrespect niya. Kaya pagkatapos nun ay nagkulong na ako sa kwarto at hindi ko na siya pinapasok. Narinig ko ang paulit-ulit niyang pagkatok sa labas ng kwarto dahil iisa lang naman ang kwarto dito sa villa namin, pero hindi ko ito pinanasin. Ni-lock ko rin pati ang sliding window dahil baka doon dumaan si Apollo. Natulog na lang ako upang mawala ang inis na nararamdaman ko para sa kanya. Ngayon ay nakaramdam na ako ng gutom kaya wala akong choice kundi ang lumabas ng kwarto. Pag bukas ko pa lang ng pintuan ay agad na bumungad sa akin ang mukha ni Apollo sa harapan na para bang handa na siyan

