WILD NIGHT WITH MR. MILLER KABANATA 14 ANG KABA KATE MALIA’S POINT OF VIEW. NAGING MAHIRAP ang pagbubuntis ko. Tatlong buwan na ang aking tiyan at mapapansin na rin ang umbok ng aking tiyan—pero mapapansin lang ‘yun kapag nagsusuot ako ng mga fitted na mga damit, o hindi naman ay nagsusuot ako ng maternity dresses. Pero kahit na three months na ang aking tiyan ay nagpapatuloy pa rin ako sa aking pag-aaral sa New York University. Hindi naman ako napipilitan dito na mag aral dahil nagustuhan ko naman ang aking ginagawa. At may kaibigan na rin ako sa klase namin—and he’s a Pilipino! Kaya sobrang saya ko na may kasama akong pinoy. Hindi na ako nahihirapan na makipag-usap ng English. “Mukhang kulang pa ang isang order ko sayo na jollibee, ah? Gusto mo bilhan pa kita?” tanong sa akin ni

