WILD NIGHT WITH MR. MILLER KABANATA 30 WIFE KATE MALIA’S POINT OF VIEW. MAKIKIPAG DIVORCE na ako kay Apollo sa araw na ito. Tumawag na ako sa aking lawyer na nandoon sa New York ngayon at inaasikaso na rin ang mga documents na kakailanganin ko. Nakapa book na rin ako ng plane ticket dahil aalis ako ngayon papuntang New York. Lumabas ako sa kwarto ko at bumaba ng hagdan. Natigilan naman ako ng makita ko kung sino ang nakaupo ngayon sa may couch namin sa may living room. Bigla akong nataranta ng makita ko si Apollo. Buti na lang talaga at nasa kwarto ngayon si Ryle. Nagmamadali akong lumapit sa kanya at agad kong hinawakan ang kanyang braso kaya napatayo na rin siya at napatingin sa akin. Bahagya siyang ngumiti sa akin at binati niya ako. “Hi, wife!” bati niya sa akin habang naka

