Naging busy ang buong linggo ni Jayden at hindi na niya namalayan ang araw at oras.
Matapos ang gender reveal party ni Elishianna ay wala na sila muling pag uusap n Alleia.
Sana pala ay nakipag palitan siya ng account noon, nawala sa isip niya dahil hindi niya expected na kakausapin siya ng dalawa.
Kapanghinayang. Sambit ni Jayden sa kaniyang sarili.
Napahilot sa sintido si Jayden sa stress, "I need to refresh my mind." Bulong ni Jayden.
Nag ligpit na muna si Jayden at kumuha ng ilang case na pag aaralan.
He's going to a cafe na palagi niyang pinupuntahan to have a peace of mind.
Nasa bahay niya ngayon si Kiel nagtatago.
"Kailan mo balak lumayas?" Tanong ni Jayden kay Kiel.
"Aalis ka?" Tanong din ni Kiel.
"Cafe." Sambit ni Jayden.
Kiel know's that when Jayden wants to go to a cafe, he needs peace of mind.
"Papahinga pero dala dala naman mag kasong inaaral niya." Natatawang sambit ni Kiel.
"Kailan ka lalayas?" Tanong ni Jayden.
Hindi sa pinapaalis na niya si Kiel pero siya kasi ang ginugulo ng mga babae nito dahil sakanya tinataboy ni Than.
"Wala pa akong one month pinapalayas mo na ako." Reklamo naman ni Kiel.
"No, its just that ako ang pineperwisyo ng mga babae mo." Reklamo ni Jayden.
"Anong babae gágo!" Sambit ni Kiel.
"Aalis na ako." Tipid na sambit ni Jayden at tuluyan ng iniwan si Kiel sa bahay.
Kinuha ni Jayden ang susi ng kaniyang bmw at inistart na ang kaniyang bmw.
Pumunta si Jayden sa Bo's Coffee na located sa España Branch.
Malayo sakanya pero yun lang ang pinupntahan niya dahil yuon lang naman ang nagustuhan niyang coffee shop at talagang nakakarelax.
Nang makapag park si Jayden ay pumasok na siya dala dala ang mga case na aaralin niya.
Inilapag niya ang gamit niya sa dulong table at umorder na muna sa barista.
"One cold white brew and Bo's chocolate cake." Sambit ni Jayden.
Tumango naman ang barista at umalis na.
Binuksan naman ni Jayden ang kaniyang laptop at habang naghihintay ay sinimulan na niyang umpisahan ang inaaral niyang kaso. Kinabukasan kasi ay may hearing pa siya sa isa niyang client.
"Here's your order sir." Sambit ng Waiter kaya napatingin si Jayden doon at tumango.
Inilagay ng waiter ang pagkain niya sa kaniyang lamesa at umalis na.
One thing he likes in this coffee shop ay kahit maraming tao ay sobra pa rin ang tahimik, nakakarelax pa rin ang ambience at ang tanging maririnig mo lang ay ang ingay sa labas ng coffee shop at tunog ng mga ginagamit nila sa pag gagawa ng kape.
Nilibot ni Jayden ang kaniyang tingin sa loob ng coffe shop.
Himala, punuan ngayon. Sambit ni Jayden sa kaniyang isip at nagsimula na siyang mag focus muli sa ginagawa niya.
Maya maya pa ay may napansin siyang baabeng lumapit sakanya.
"Is this seat taken?" Tanong ng isang babae kaya napalingon si Jayden doon at nagulat siya sa nakita.
"No." Sambit niya at ngumiti.
Si Alleia lang naman ang babaeng lumapit sakany at nagtanong kung pwede makiupo.
"Punuan kasi e, nakilala kita so lumapit ako." Nakangiting sambit ni Alleia.
"What's your name again?" Tanong ni Alleia habang nag seset up ng laptop, mukhang magtatrabaho rin.
"Austin Jayden." Sambit ni Jayden habang nakatingin kay Alleia.
"I'm Alleia, how old are you?" Tanong muli ni Alleia.
"25. Attorney." Tipid na sambit ni Jayden.
"28, Ob gyne." Nakangiting sambit ni Alleia.
"Wow." Gulat na sambit ni Jayden.
"Mahilig ka sa cold brew?" Tanong ni A lleia ng mapansin ang inorder ni Jayden.
"Hmmm, I'm a type of guy na mahilig sa cold drinks. Mas inaantok ako kapag hot e." Paliwanag ni Jayden at uminom sa kaniyang kape.
"I like mine hot, mas refreshing." Sambit naman ni Alleia.
"Is that Cafe Mocha?" Tanong ni Jayden.
"How did you know?" Gulat na sambit ni Alleia.
"I love chocolates, and alam ko mga menu nila." Natatawang sambit ni Jayden.
"Oh, so you're here most of the time?" Tanong ni Alleia.
"Not really, kapag stress lang at need ko ng peace of mind, I always go here." Sambit ni Jayden.
"We're the same." Nakangiting sambit ni Alleia.
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa dahil pareho na silang nagtrabaho.
Alleia is doing her works na need ipass while Jayden is reviewing a case study.
"Is that a case study?" Tanong ni Alleia.
"Yes." Tipid na sambit ni Jayden habang busy pa rin sa pag aaral.
"I really want to be a Lawyer kaso hindi pinayagan ng parents." Sambit ni Alleia habang tinitignan ang case study na binabasa ni Jayden.
"Tapos ka na ba sa work mo?" Tanong ni Jayden at tumingin kay Alleia.
"Yup, katatapos lang." Sambit ni Alleia at napansin naman ni Jayden na nakapag ligpit na pala siya.
"I still have two case study to review, wanna try?" Tanong ni Jayden at halos kuminang ang mata ni Alleia sa nakita.
"Bakit hindi mo pinursue?" Tanong ni Jayden habang kumakain ng chocolate cake, nagpapahinga siya saglit kaya kinakausap niya si Alleia.
"My parents doesn't want me to a lawyer, delikado raw. Sabi ko nga sa attorney sila kahaban kasi yun ang nag hehearing kaso ayaw pa rin." Nakangusong sambit ni Alleia.
"Pero marunong ka?" Kuryosong tanong ni Jayden.
"Oo naman, nag enter ako Law School for 4 years kaso nung 3rd year na ako ay nahuli ako ng parents ko sa yeah, pinadala akong states doon pinag aral ng med. I chose ob gyne kasi gusto ko sa mga bata." Nakangiting sambit ni Alleia.
Hindi maiwasang mapatitig at mapatulala ni Jayden kay Alleia.
He really likes this girl more than anyone else.
This is the first time Jayden like a girl.
"So you knew how to study a vase huh?" Natatawang sambit ni Jayden.
"Of course! I love studying cases duh." Natatawang sambit ni Alleia kaya napatawa na rin si Jayden.
"Do you also likes book?" Tanong ni Jayden kay Alleia.
"Yeah, I told you, I love reading." Sambit ni Alleia.
"I saw your wallpaper, saang aquarium yan?" Kuryosong tanong ni Alleia matapos makita ang wallpaper ni Jayden.
"Around Manila lang, I love visiting aquariums. It gives me chills." Sambit ni Jayden.
"Can you send me the place? I also want to go there e." Sambit ni Alleia.
"Here's my iMessage." Sambit ni Alleia at ipinakita ang kaniyang cellphone sa binata.
Kinuha naman iyon ni Jayden at nag swap na sila ng mga social media accounts.
"Oh bothanical garden." Sambit ni Jayden ng makita ang profile ni Alleia.
"Yeps. I love flowers." Nakangiting sambit ni Alleia.
Napatango naman si Jayden, they both have the same likes ni Alleia.
"Halos pareho pala tayo e, soulmate?" Biro ni Alleia.
Hindi naman agad nakapag react si Jayden, he doesn't know if bibigyan ba niya ng malisya o hindi dahil kakakilala palang naman nila at kakausap palang ng matagal.
Mas pinili nalang ni Jayden na tumawa at ngumit.
"What if." Sambit ni Jayden kaya napatawa si Alleia.
"Do you need this case study now or???" Tanong ni Alleia.
"Nope, inaaral ko lang siya." Sambit ni Jayde.
"E ayang hawak mo?" Tanong ni Alleia at itinuro ang librong binabasa ni Jayden.
"I need this, may hearing ang client ko na may ari neto bukas." Sambit ni Jayden.
"Wow, kamusta maging abogado? Is that hard?" Tanong ni EIA.
"It depends sa case, but I don't like handling cases na against sa tama. I only handle cases na nararapat." Paliwanag ni Jayden.
"That's nice, madalang sa abogado ang ganiyan." Tumatango tangong sambit ni Alleia.
"Totga ko talaga Laywer e, imagine calling me a Lawyer? Gosh!" Sambit ni Alleia kaya napatawa si Jayden.
"You can still pursue it now,." Sambit ni Jayden.
"I don't think so, masaya na ako maging ob gyne. Nakakatuwa kaya malaman ang magiging genders ng mga babies." Masayang sambit ni Alleia.