Giyo’s POV Tapos na akong gumayak at almusal nung dumating sa harap ng bahay-kubo ko ang mga pulis. Natakot ako nung una kasi baka kung ano na. “Maaari ka ba naming matanong, Mr. Abueva?” tanong agad sa akin ng isang pulis officer. “Oo naman po. Ano po ‘yon?” Pinilit kong huwag mautal kahit na natatakot na ako. “Nung nakaraang gabi, may nakapagsabi na nagpunta dito si Miss Marineth Torres? Totoo ba ‘yon?” “Opo, pumunta po siya rito, pero pinagtabuyan ko kasi sobrang kulit,” sagot ko sa kaniya. “Totoo ba ‘yan? Hindi ba siya pumasok dito o nagkita pa kayo sa ibang lugar?” tanong pa nung pulis. “Opo, pagod kasi ako nun at wala sa mood. Kaya tinaboy ko siya. Saka, hindi ko po talaga type ang babaeng iyon kaya tinaboy ko talaga,” sagot ko pa. Kinakabahan na ako. Sa tingin ko tuloy ay ma

