Giyo’s POV Nasa isang maliit na café ako malapit sa manisyon nila Mia. Naglalaro ako ng straw sa natutunaw kong iced coffee habang nakatingin sa labas, tinatanaw ang mga nagdadaang tao. Iniisip ko kung paano ko sisimulan ang usapan kay Salve mamaya. Gusto kong ipakilala siya kay Mia para wala na talagang magiging dahilan si Mia para magselos pa. Pero siyempre, kinakabahan ako. Hindi ko pa nasasabi kay Salve na nililigawan ko si Mia. At sa totoo lang, hindi ko rin alam kung paano niya tatanggapin. Hindi siya sanay na nanliligaw ako. Sanay si Salve na ang babae ang nauunang manligaw sa akin. Ngayon, kapag nalaman niyang ako ang nanliligaw kay Mia, alam na niya agad na seryoso na ako. Dumating si Salve, dala ang paborito niyang blueberry cheesecake. Iba pa rin talaga kapag kasama mo ‘yun

