Giyo’s POV Hindi nanalo ang pamilya ni Marineth laban sa binibintang sa akin. Sadyang malakas pa rin ang hatak at power ni Madam Ofelia kasi mas nakatulong pa rin ‘yung ginawa niya. Sigurado akong nagbayad siya ng mga tao para matalo sa kaso itong bintangerang ina ni Marineth. Sa totoo lang, kahit naman hindi ako humingi ng tulong kay Madam Ofelia ay kaya ko kasi wala naman silang matibay na pruweba. Sadyang pinadali lang ni Madam Ofelia ang laban kaya malinis na ang pangalan ko. Hindi ako pumasok ngayong araw sa trabaho ko sa manisyon nila Mia. Nagpaalam na rin ako kay Madam Ofelia. Nagpaalam ako na may sakit ako kunyari, pero ang totoo ay wala naman talaga. Dahil sa nalaman ko kay Manang Yoll, sa tingin ko ay dapat ko na ring paghandaan ang pinaka-plano kong mangyari ngayon. Gagamitin

