Giyo’s POV Pagdilat ng mata ko, ramdam ko agad ang bigat sa ulo ko. Parang sinipa ng kabayo. Tumingin ako sa paligid—ang init. Ang araw na sumisilip mula sa bintana ng kuwarto ng bahay-kubo ko ay tinatamaan ako ng mainit na sinag. Tanghali na? Napabalikwas ako mula sa banig, pero natigil ako nang marinig ang malalakas na katok sa pinto. “Giyo! Giyo! Buksan mo ‘to!” boses iyon ni Madam Ofelia ang amo kong patay na patay sa akin. Naku, patay ako nito. Hindi ako pumasok kanina. Hindi rin ako sumagot sa mga tawag niya. Mabilis akong naghanap ng damit na maayos. Yung suot ko kagabi, amoy-alak pa. Nakalimutan ko yatang magpalit bago matulog. Si Salve, hindi ko na rin alam kung paano nakauwi. Hindi ko rin alam kung paano ako nakauwi rito sa bahay. Parang agos ng alaala ang pumasok sa isip ko

