Mia’s POV Palabas na ako ng kuwarto ko nang marinig kong may kausap si Mama sa phone. Tumigil ako saglit sa may pinto, hindi ko alam kung bakit bigla akong napahinto, parang may kung anong nagtulak sa akin na makinig sa usapan nila. Hindi ko naman ugali ang makialam, pero may tono sa boses niya na nagbigay sa akin ng kutob. “Tell me exactly where he goes after work,” ang madiing sabi ni Mama. Malamig at kontrolado ang boses niya pero nararamdaman ko ang tensyon sa bawat salita. Sino kaya ang tinutukoy niya? Nag-usap pa sila, pabalik-balik sa loob ng sala na parang hindi mapakali. Napahigpit ang hawak niya sa kanyang cellphone. “Find out who he’s seeing,” dagdag niya. Mas naging tahimik ako habang naririnig ko ito. Sino kaya ang tinutukoy ni Mama? Nagpatuloy ang bulong ng isip ko hab

