CHAPTER 38

1085 Words

TULALA LANG SI Zia habang nakatitig siya sa babaeng nasa kaniyang harapan ngayon. Hindi niya alam kung ano ang eksaktong mararamdaman niya habang kaharap ang babaeng inakala niyang patay na tatlong taon na ang nakararaan. Naguguluhan siya lalo na nang mapatingin siya sa kaniyang ama na nakatayo sa gilid ng babaeng. “Hindi ko alam kung anong sasabihin,” aniya saka napapailing. Naiyuko niya ang ulo sabay hawak sa kaniyang sintido dahil gumuhit ang kirot doon. Gusto niyang matawa na mainis na ewan. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman niya. “Let me explain,” ani Ate Zandria niya na humakbang ng isa dahilan upang mapaatras siya at mapasandal kay Luna na nakatayo sa kaniyang likuran. Nilingon niya ito. Naramdaman niya ang paghawak nito sa mga braso niya kasabay ng pagtitig nila sa isa’t

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD