Chapter Seventeen Wala akong pakialam.. wala akong pakialam sa mga matang halos patayin at sunugin ako sa sobrang galit nila sa akin.. bakit ako matatakot sa kanila? Sila ang dapat matakot sa akin.. matakot sa aking galit.. Kahit anong mangyari, kahit sino pa ang pumigil sa akin ngayon nakasama at nakilala ko na ang aking mga anak at nagkaayos na kami ni Danika hinding hindi na ako makakapayag na mawala pa sila sa aking paningin. Binigyan ko muna ng isa pang nakakamatay na tingin ang poncio pilatong iyon na kung itatabi sa akin ay wala pa sa kalingkingan ko.. mayabang na kung mayabang pero nagsasabi lang ako ng totoo. " Lolo, aakyatin ko lang po sa kwarto ang mag iina ko para makaalis n------------- " Wow, bilib din naman talaga ako sa kakapalan ng pagmumukha mo! Ipinagtata

