Chapter Fifteen " Kristoffer Smith hindi kita pinalaking bastos. " Hindi ko maiwasang mapangiti, dahil sa wakas my grandpa is here. Nawala sa akin ang pansin nilang lahat at tumutok lahat iyon sa pintuan kung saan taas noong nakatayo si Lolo at ang tatlong bodyguard niya. " Senator Ortega, pagpasensyahan mo na ang bibig ng aking kaisa isang apo. Hindi lang talaga siya sanay ng pinaghihintay at pinagbabantaan. " Sobrang tahimik, hindi gaya kanina para kaming nasa palengke dahil sa sigawan. Hindi ko kayang ipaliwanag ang mga reaksyon nilang lahat lalong lalo na ang tatay ni Danika. My grandfather was a powerful businessman, hindi naman sa pagmamayabang pero kinatatakutan at the same time iginagalang siya sa larangan ng business. " You mean to say this man is your g-grands

