CHAPTER THREE

1268 Words
CHAPTER THREE         " Nasaan ang anak ko?!! Nasaan Danika!!? " makabasag eardrum na sigaw niya sa aking harapan. Halos ipagsiksikan ko ang aking sarili sa headboard ng kama, habang umiiyak ako sa kanyang harapan, hindi ko alam kung paano ko tatakpan ang aking halos hubad ng katawan. yakap yakap ko ang aking dalawang binti habang nakatingin sa kanya.. Galit na galit siya, yung mga mata niya.. nakakatakot, yung katawan niya nanginginig.. mamamatay na yata ako.. Hindi ko naman siya masisisi dahil ako ang may kasalanan.. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Kung papaano ko sasabihin sa kanya na hindi lang isa o dalawa ang naging anak namin kundi t-tat---             " Danika!"           " Daniiiikaaaa!!!"         " Goddammit!!! answer me!! You have no right to do this to me!! Anong pumasok sa kukote mo at nagawa mo sa akin ang bagay na ito, Danika?!! Sumagot ka!!! T**ng ina!! Mahal na mahal kita!! Mahal na mahal kita t-tapos i-ito pa.. i-ito pa ang i-igagan-ti moooooooooo--- nabasag ang kanyang tinig, halos mapaungol ako ng makita ko ang kanyang itsura, umiiyak siya, umiiyak siya habang pasalampak na nakaupo sa ibaba ng kamang aking kinalalagyan... yumuyugyog ang kanyang mga balikat, nakatungo siya pero kitang kita ko ang mga luhang pumapatak sa kanyang magkabilang pisngi.. napahagulhol ako ng iyak, guilting guilty ako.. nasasaktan ako, hindi ako makahinga.. hindi ko alam kung anong dapat gawin, kung lalapitan ko ba siya? yayakapin? dadamayan? pero alam kong masasaktan lang akong lalo kapag ginawa ko iyon.. dahil alam kong itataboy niya ako..         " I-Iniwan mo ako.. pinatay mo ako, Danika.. hinanap kita, kahit kailan hindi ako tumigil sa paghahanap sayo.. mahal na mahal kasi kita.. p-pakakasalan kita.. kasi pinangarap kong makasama ka, ang maging asawa ka .. pero nakakatawang isipin na ang babaeng minahal ko ng higit sa sarili ko ang.. sisira sa lahat ng mga pangarap kong binuo ko para sa atin.. ang sakit s-sakit lang."             " T-tatlong t-taon!! tatlong taon.. all those years hindi man lang ba pumasok sa isipan mo na balikan ako? o kahit hindi na lang ako, Danika!! kahit ang ipakilala na lang sa akin ang anak natin!! iyon na lang!! iyon na lang sana ang inisip mo!! Pero shiit ka!!! Mas masakit, ang ginawa mo!! lumayo ka na nga sa akin, nagtago ka na nga.. pati ba naman ang anak ko idinamay mo pa?!! Papaano mo maibabalik at maitatatama ang pagkakamaling ginawa mo?? Ano pang mga kasinungalingan ang ipinamulat mo sa anak ko para hindi niya ako hanapin at kilalanin, Danika!!!??? Ano pa!! t**ng ina!! magsalita ka naman!!! magsalita ka!!! " habang sinasabi niya iyon sa akin, lumalapit siya mula sa aking pwesto. Namumula ang kanyang mga mata at nanginginig ang kanyang hintuturo na nakaduro sa akin. Wala na akong maatrasan, hindi ko naman kayang igalaw ang aking katawan dahil wala iyong lakas. Huminga ako ng malalim para alisin ang bara sa aking lalamunan, pero hindi ko mapatigil ang aking mga luha.. sukol na sukol na ako.. Kailangan ko namang ipagtanggol ang aking sarili. Kailangan kong sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit ko ginawa iyon.. PARA SA AMIN IYON.. SA KANYA.. KAYA AKO LUMAYO.. PARA HINDI SIYA MAHIRAPAN..         " N-Nasaktan din naman ako, T-Toff. A-Ang akala mo ba, i-iniwan k-kita d-dahil gusto ko lang? d-dahil h-hindi kita mahal? G-Ganyan na ba talaga kasama ang tingin m-mo sa akin p-para h-husgahan mo ako ng g-ganyan? Para m-mura murahin mo ako.. "         " A-At anong gusto mong isipin ko, Danika? Idadahilan mo na naman ba ang gasgas na linyang dahil may asawa ako? kasal ako kay Ysobelle? Na ginawa mo iyon dahil ayaw mong magaya sa nanay mo?!! Ilang beses ko bang sinabi sayo noon, bigyan mo ako ng panahon.. hintayin mo ako at manatili ka lang sa tabi ko habang inaayos ko ang lahat!! Pero anong ginawa mo, iniwan mo ako.. sinira mo ang mga pangako mo sa akin.. and worst.. itinago mo pa ang anak ko.. kahit doblehin mo pa ang sakit na nararamdaman mo ngayon.. kulang pa yan sa nararamdaman ko ngayon!!Kaya wag mo akong idaan sa pag iyak mo.. dahil hindi na yan uubra.."           Bawat salitang binibitawan niya, parang punyal iyon na paulit ulit na tumatarak sa aking puso.. ramdam na ramdam ko iyong galit at pagkasuklam niya sa akin. " K-kahit ano pang sabihin mo, Toff.. sa maniwala ka at sa hindi, para sa atin ang ginawa ko. Hindi ko pinagsisisihan ang ginawa kong pang iiwan sayo.. Ang pinagsisisihan ko.. ay ang itinago ko sayo ang mg--         " Shut up!! shut up, Danika!! baka hindi kita matantiya, kasi sa ngayonnn.. kaunting kaunti na lang ang pagpipigil ko.. ang pisi ko.. baka masaktan kita. So you better shut your mouth kung wala kang matinong sasabihin. " napipilan ako, natigilan.. lalo na ng makita ko ang kanyang mga mata. Wala na iyong kaemo emosyon, malamig.. gaya noong una naming pagkikita. Tumalikod siya sa akin at may mga dinampot siya sa sahig.. hindi ko mapigilang umiyak ulit.. pero pinigil kong may lumabas na tunog doon.. hindi na niya ba ako mapapatawad? papaano ang mga anak ko? kukunin niya ba sa akin? ilalayo? iyon ba ang magiging ganti niya sa ginawa ko? hindi ko kaya.. hindi ko kaya.. kung kukunin niya ang mga anak ko.. kailangan kasama ako.. dahil ako ang ina nila.. kung nasaan sila, nandoon din ako.. Hindi ako papayag .. hindi ako makakap---------             Napatigil ako sa pag iyak at pag iisip ng may bagay na tumama sa aking ulo.. wala sa sariling inabot ko ang mga damit kong ibinato niya sa akin. " Get dressed. Fix yourself. And were going to your hiding place, kung saan mo iniwan ang anak ko. "           " T-Toff, p-please mag usap muna tayo. H-hayaan mo muna akong magpaliwanag, hayaan mo akong sabihin sayo ang katotohan--------- hindi magkandaugaga kong pagmamakaawa sa kanya.       " Wala na tayong dapat pang pag usapan Danika!! Ang tanging gusto ko na lang sa oras na ito ay makita ang anak ko!! iyon na lang!! Ang anak ko, Danika.. ang anak kong ipinagkait mo sa akin!! Wala na akong pakialam sa dahilan mo!! sa mga paliwanag mo dahil wala ng silbi iyon!! Wala na!! " sigaw niya, habang hawak hawak niya ang aking dalawang braso ng sobrang higpit.. nakaluhod ako sa kama habang nakatayo siya sa tapat ko.. inaalog alog niya ako. Bumabaon ang kanyang mga kuko pero hindi ako pumiyok.. he was big compare to me, kayang kaya niya akong ihagis kun gugustuhin niya... pero hindi ako nagpatinag at nagpatalo kahit pa nga natatakot ako sa kanya..           " P-Parang awa mo na, wag mong kunin sa akin ang mga anak ko.. Wag mo silang ilayo sa akin.. Hindi ko kakayanin Toff.. hindi.. sila ang buhay ko.. Sila na lang ang natitirang alaala mo sa akin. Kaya please lang.. kung kukunin mo sila.. k-kailangan kasama ako.. dahi----------           " Mga? Sila?!! Are you saying that------ puno ng pagkalitong tanong niya sa akin.           " Im sorry... I-I-m s-sooooryyyy, Toff.. hindi ko sinasadya.. bu-but t-they're ... they're triplets---- tulalang napatingin siya sa akin, nakaawang ng bahagya ang kanyang bibig.. ilang segundo siyang ganoon.. he's in shock.. wala sa sariling nabitawan niya ang mga braso kong namumula na dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya kanina.             Pero hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari..         pak!!!           " Damn you to hell, Danika!!! Damn you!!! "           I could almost taste my own blood on my mouth. I can't hear anything.. my vision was hazy and blurry.. my face was drenched in tears.. I choked and sobbed uncontrollably..         I deserved that big slap..       I deserved his hatred..     I deserved his punishment..       but I don't deserved to lose my children..            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD