“Anong oras daw lapag ni ate Faye sa airport?” tanong ni Solstice kay Zevian habang nasa sasakyan sila. “Before lunch.” sagot ni Zevian, kaya tumango si Solstice. “Let’s just order foods pagkauwi sa condo, doon na kayo matulog. Nag hohotel ka lang right?” tanong ni Solstice. “Yes, is it okay to Heiraya?” tanong ni Zevian pagkatapos i park ang sasakyan sa parking lot ng condo ni Solstice. “Yes, nakausap ko na siya kagabi, so don't worry.” sambit ni Solstice at bumaba na ng sasakyan, hinintay nilang maka baba ang kambal sa sasakyan tsaka sila nag lakad papunta sa elevator. “How are you, Yse?” nakangiting tanong ni Zevian kay Ceryse. “Ayos lang po daddy.” nakangiting sambit ni Ceryse. “And how about our big boy?” tanong ni Zevian sa panganay nila. “I’m okay daddy, you'll live

