Maagang nagising si Solstice dahil sa cellphone niyang tumutunog dahil sa isang tawag, tawag galing sa kanyang ina, mi-nute ni Solstice ang cellphone niya at pinagmasdan matapos ang tawag. Umupo si Solstice sa kama at kinuha ang cellphone niya. Habang nag sscroll siya sa cellphone niya, biglang gumalaw si Zevian na nasa tabi niya. “Why so early sweetheart?" Inaantok na tanong ni Zevian. “Naalimpungatan lang, hindi na makatulog ulit, tulog ka ulit.” sambit ni Solstice at sinuklay suklay ang buhok ni Zevian gamit ang mga daliri niya. “Hmm” bulong nito at yumakap sa bewang ni Solstice. “Let’s sleep sweetheart, it's too early, it's four o'clock in the morning.” bulong ni Zevian at hinila pa higa si Solstice. “Hindi na ako makatulog Zen, matulog kana.” masungit na sambit ni Solstice

