Nagising si Solstice sa ingay ng kambal at mga malilikot nilang galaw sa kama. “Why so early?” inaantok na tanong ni Solstice sa kambal, wala na si Zevian sa kama. “Gala raw po tayo sabi ni daddy, mommy.” nakangising sambit ni Cooper. “Okay, what time?” tanong ni Solstice sa dalawang anak. “After breakfast daw po, daddy said gisingin ka po namin dahil mag luluto pa raw po ikaw ng breakfast natin.” sambit ni Ceryse na nasa tabi niya, nakayakap sakanya. “Okay, let's go baby, help mommy prepare our breakfast, while you Cooper, take a bath na okay?” sambit ni Solstice at tumayo na para pumunta sa kusina. “Let’s go” sambit ni Solstice at nilagyan ng upuan ni Solstice ang harapan ng stove, umakyat doon si Ceryse. Nag lagay ng pan si Solstice at nilagyan ito ng mantika. “Fry the ham

