Pagkatapos ng runways, kasama ni Solstice ang kambal na pumunta sa coffee shop na sinabi ni Zevian, hindi na naka sama si Heiraya kasi may kailangan pa itong gawin. “Daddy!” sigaw ni Ceryse at nag tatakbo kay Zevian, nakangiting sinalubong ni Zevian ang bata at kinarga. “How are you, Yse?” magiliw na tanong ni Zevian sa bata, nakangiti namang umupo si Solstice kasama si Cooper. “Let’s order first foods for the kids” sambit ni Zevian, tumango si Solstice at kinuha ang atensyon ng waiter. Sinambit ni Solstice ang paborito ng kambal, siya na rin ang nag order ng pagkain para kay Zevian, pagka alis ng waiter tinignan ni Solstice si Zevian na ngiting ngiti habang may binubulong sakanya si Ceryse. “What is it?” nagtatakhang tanong ni Solstice. Umiling si Zevian at sumeryoso na. “So

