SCARLET POV Habang wala si Uncle ay pumasok muna ako sa loob ng magarang sasakyan niya at excited akong kinuha ang bagong cellphone ko upang ilipat ang sim card ko. Pag bukas ko ng bagong cellphone ko, bumungad sa akin ang napakaraming text messages and missed call kay Jason. Sinubukan kong iopen ang isa sa mga messages niya despite the fact na gustong ni Uncle Jordan na wag na akong magparamdam sa boyfriend ko. "Grabe ang Uncle mo Scarlet. Binantaan niya ako na kapag lumapit daw ako sayo, ipapakulong niya raw ako dahil bilyonaryo siya. Sa totoo lang, wala akong tiwala sa hitsura niya pero dahil Uncle mo siya, may respeto pa rin ako kahit na nanghihimasok siya sa relasyon nating dalawa. Please, sana makipag kita ka pa rin sa akin bukas ng gabi. Pwede mo akong sapakin, suntukin, o pags

