Michelle's POV
Lumiwanag yata ang araw niya ng makita ang lalaking gustong-gusto niya, ang lalaking pinapangarap noon at ngayon pero napaka-ilap nito. Kahit anong gawin niyang pang-aakit ay No effect sa lalaki.
Ginamit na niya ang mga koneksyon ng kanyang mga magulang para iset-up muli ang naputol nilang arrange marriage pero tutol ang lalaki at ang mga magulang nito ay ayaw ng pakialaman ang pasya ng anak, pagkatapos nitong himalang nabuhay mula sa pagkakadisgrasya.
Nasa Hotel siya ngayon para mag book ng room, she will attend the conference mamaya, and she think ito rin ang dahilan kung bakit nandito din ang lalaki.
Ngumiti siya ng sobrang tamis ng malapit na siya dito.
Una siyang bumati sa lalaki. Nang makita siya nito ay casual lamang itong sumasagot sa kanyang bati at mga friendly questions.
Pero kahit pa cold sa kanya ang lalaki ay nagdiriwang pa rin ang puso niya na nakausap niya ito ngayon.
At mas lalo pa ngang gumuapo sa paningin niya ang lalaki.
Excited siyang makasama ito sa conference mamaya.
Unang nagpaalam ang lalaki na aakyat na sa suite nito at tumalikod na, may kausap ito sa telepono, napansin niya.
"mmmm..", may nobya na ba ang lalaki? wala siyang nababalitaan.
Kinuha niya agad ang suite na katabi ng sa lalaki.
___________
Sa conference ay naunang dumating ang lalaki. Nais sana niyang makatabi ito sa upuan pero hindi na niya ginawa.
Palihim na lamang niya itong pinagmamasdan sa di kalayuan.
Ngunit muling nagdiwang ang kalooban ng dalaga ng maimbitahan siya sa after dinner exclusively for them, ng mga negosyanteng Pilipinong nandoon. And ofcourse ay kasama si Mr Greg Sebastian.
At may ideya siyang naisip.
Pagkatapos ng masarap na kainan ay hindi mawawala ang inuman. She still keep her distance from him at first.
Pero ng mag inuman na ay paunti-unti na siyang lumalapit sa binata. At ng makakita ng pagkakataon ay may nilagay siyang gamot para mas madaling malasing ang binata.
Nagtagumpay naman siya, kaya ng lasing na lasing na ito na halos makatulog na sa mesa ay nagpresenta na siyang siya na ang maghatid nito sa hotel room nito dahil magkatabi naman din sila ng kwarto.
Kaya kahit hirap na hirap siyang dalhin ito sa hotel nila at sa room nito ay kinaya niya kahit napakabigat ng lalaki.
Ang orihinal na balak ay iba-blackmail lang niya ang lalaki. Kukuha lang siya ng mga pictures nila habang nasa kama at walang mga saplot
Pero ng may tumawag sa lalaki at makita ang pangalang naka save doon. She knew its a special woman to him o baka girlfriend nito.
Hindi niya sinagot ang tawag. Maya-maya pa ang tumunog ulit ang telepono ng lalaki at the same name appears on the screen 'Faith My Love' with heart emoji pa.
Kinain na ng selos ang babae at inggit.
Kaya naman ay pinindot niya ang answer button and the rest was history.
Alam niyang nakinig ang babae sa kabilang linya. Narinig niyang nag 'Hello' ito at nanatili sa linya ng ilang minuto.
Kaya naman ay ginandahan niya ang kanyang Fake Moaning, naanimo'y talagang nasasarapan siya at dinadala siya sa langit ng lalaki. She made sure maririnig ng babae ang pangalan ni Greg na kanyang sinisigaw habang papalapit sa kalangitan.
At ng maputol na ang tawag ay natatawa na lamang siya.
Now, she will destroy whatever relationship this woman has with her love Greg.
Kaya ay nagcompose pa siya ng message at ipinadala makaraan ang halos isang oras sa babae.
Hindi nag reply ang babae sa text niya, kaya nag try siyang tawagan ang numero ng babae para makasigurado magigiba talaga ang kung anumang relasyon naroon ang babaeng ito kay Greg. At tuwang-tuwa siya ng ang tawag ay hindi gumana. The woman already block Greg.
"Great!", anas niya. Gumana talaga ang mga ginagawa niya
"Now, the final touch!", dagdag pa niya. At binura na niyang tuluyan ang numero ng babae sa contact list ng lalaki.
Pati sa recently deleted contacts ay binura din niya doon, para hindi na maretrieve pa ang numero ng babae.
Tuluyan na niyang puputulin ang anumang relasyon ng dalawa. Wala siyang paki kung business relationship ito, o friendship pa o romantic relationship.
Kung hindi man niya maaangkin ang lalaki, pwes.. wala rin dapat babaeng aangkin sa lalaking gusto niya.
Itinuloy pa rin niya ang orihinal niyang balak.
Hinubaran na niya ang walang malay at tulog na ngayong lalaki.
Pinagpistahan niyang hawakan at pagmasdan ang mala adonis nitong katawan.
Pagkatapos niyang maghubad din ay kumuha na siya ng mga larawan nila.
Siniguradong ang anggulo ay para talagang may nangyari sa kanila.
She will gonna use this as her final card.
She also sent an MMS message to that woman Faith with their nude bodies and while making love kunyari.
And Finally she throw away Greg's phone.
Pagkatapos ng kanyang mga masasamang ginawa ay tumabi na siya sa lalaki at doon na siya matutulog.
She know he will be surprise when he wakes up.
Pero handa siya kung anuman ang kahihinatnan.
For the main time she will enjoy this moment katabi ng lalaki.