Greg Is Ced!

1020 Words
Ibinaba na ng dalaga ang tawag sa kabilang linya. Napabuntong hininga si Ced. He learned after this call that all these years ay hindi pa rin nakaka-move on si Faith. Hinanap niya ang babae simula pa noong nagising siya sa hospital. Ang eroplanong sinakyan niya mula Singapore pauwi ng Pilipinas noon ay nag Crash Landing dahil sa malakas na bagyong nadaanan nila, mabuti na lamang at napakahusay ng piloto nila at walang casualties. He collapsed that time but due to fatique at over stress. Paggising nga niya makalipas ang ilang araw ay nasa hospital na siya. Agad niyang pinahanap si Faith pero hindi na nila matagpuan ang babae. Nanghihinayang si Ced. Ngayon pang naalala na niya ang lahat ay siya namang pagkawala ng babaeng mahal na mahal. Ang nangyari sa eroplano, ang halos ikamatay na naman niyang karanasan ay ang nag trigger na bumalik ang lahat ng nakalimutan ng kanyang utak. Parang na rewind ang kanyang utak dahil sa halos kaparehong sitwasyon. At bumalik ang lahat lahat sa kanya. Bumalik ang ala-ala niya ng nakaraan nila ni Faith noong mga bata pa sila hanggang sa araw na lumipad siya patungong Amerika. Hindi pala isang car accident kundi plane crash ang halos ikamatay niya noon. At Isa siya sa mga ma swerting nakaligtas at himalang nabuhay. He suffered from traumatic brain injury dahil sa tindi ng pagkabagok ng ulo niya. He has first degree burns almost half of his body mabuti nalang at sa dagat bumagsak ang eroplano kaya hindi malala ang sunog niya. Pero may mga malalaking sugat siya sa katawan na kung hindi pa siya nahanap in another hour ay possibleng hindi na siya nakaligtas. It was his doctors advice na huwag na munang sabihin sa kanya ang totoong nangyari dahil nag titrigger ng matinding sakit sa ulo niya kapag nakarinig siya ng pamilyar na pangalan o pangyayari. His brain will try to remember it pero dahil sa injury ay nagdudulot lang ito ng matinding sakit sa ulo niya Kaya ang sinabi sa kanya noon ay he was involved in a car crash accident. Isang controbersyal din sa company nila ang nangyari sa kanya kaya inilihim ang kanyang pagkakaligtas. Kaya naman ng magtagpo sila ni Faith ay hindi niya nakilala ang babae. Although deep in his heart he recognized her, reason he fell inlove with her again. Pero alam niyang sa puso niya ay hindi niya nakalimutan ang babae. Possibleng ang utak niyay nakalimot pero hindi ang puso at kaluluwa niya. He realized now that It was the reason he keeps on dreaming about Faith even before she met her again after the traumatic accident. Because He never really forgotten her specially their moments together. Hindi din nagkakamali ang dalaga. She recognized him instantly na siya si Ced noong unang kita nila sa hospital noon, siya lang ang hindi naka-alala. Kaya naman ay excited na siyang makitang muli ang dalaga at babalik sa piling nito sa madaling panahon. Hinding-hindi na niya ito pakakawalan kailanman kung sakali. Naalala din niya ang mga ginawa niyang paraan para mahanap ang dalaga. Hindi siya nawalan ng pag-asa. Nabalitaan niya noon na nasunog pala ang tinitirhan ng maglola at walang ni isang may alam kung saan na ito nakatira pagkatapos ng trahedya. Tuluyan na siyang walang kontak sa babae. Siguro ay wala na rin ang telepono ng babae, sa isip niya. Ginawa niya lahat ng mga paraan para mahanap ang dalaga. Ang kanyang cellphone number noon ay pinaretrieve niya sa kanyang service provider. Mabuti nalang at wala pang ibang nagmamay-ari ng cellphone number niya noon. Kaya ay pina-activate niya ito at tama nga ang hinala niya. After a month of waiting ay sa wakas ay tumawag sa kanya ang babae. Halos hindi siya makapaniwala. Halos maiyak siya kanina ng marinig ang boses ng dalaga. Lalo na’t ang naririnig niya mula dito ay mga hinanakit nito sa kanya. He can’t help but agonize with her. Walang may kasalanan sa kanila grabi lang talaga mag biro ang tadhana sa kanila. Hindi siya magpapakilala ngayon sa online o sa telepono. Gusto niyang personal na kausapin ang babae soon. Nahanap din niya ang babae sa online selling nito. Aksidenting nakita ng sekretary niya si Faith na nag trend online dahil sa mga magagandang desinyo nito ng mga personalized gift and giveaways. Kaya naman ay agad siyang nag follow sa tindahan online nito at binili na nga niya lahat ng paninda. Nakita niya sa wakas ang babae. Kahit sa online lamang ito ay masayang-masaya siya. Napakaganda ng babae sa screen. Mas lalong gumanda yata sa paningin niya. Nagseselos nga siya sa mga nagpapalipad hangin sa dalaga sa comment section ng live selling nito. Kaya ay binili na niya ang lahat ng bags nito para matapos na ang live selling ng dalaga. Ayaw niyang pag-fiestahan online ang ganda ng dalagang mahal. At paraan din ito para kontakin siya ng dalaga pero ang binigay niyang telephone number ay ang business line niya muna. At sa wakas nga ay tumawag ito para kunin ang personal information niya. Muntik pa niyang ibigay ang totoong pangalan niya sa sobrang excited mabuti nalang at narealized niyang hindi pa ito ang tamang panahon. Kaya ay ginamit niya ang pangalan at address ni Glen. Ang sekretary niya. Hindi pa niya alam kung anong gagawin niya sa mga bag na binili pero he will keep it and will collect all her bag designs because Faith designed it herself. At sa isang iglap ay may kontak number na siya ng babae, na pinagpapasalamat niya talaga. Ngunit hindi niya inasahan ang tawag nito sa kanyang lumang numero ng dis-oras ng gabi. Pero ng marinig niya ang boses ng babae ay halos madurog ang puso niya. Lasing ang dalaga. Gustong-gusto niyang puntahan ito pero hindi pa niya alam talaga ang address ng babae at iyon ang kanyang next mission. Kaya ay naisipan niyang kausapin ito kahit hindi na siya magpakilala. Nais lang niyang ipaabot sa dalaga na narito siya, na may isang taong handang makinig at dadamay sa kanya. Masaya naman siya sa kinahinatnan ng tawag kanina. At may naisip siyang paraan para makita ng personal ng dalagang miss na miss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD