Pagkatapos ng meeting nila sa conference room ay hindi agad pinaalis ni Madam Francisca si Faith.
“Congratulations iha! I am looking forward to work with you! and I want to celebrate this new partnership, and of course to say thank you, sa kabaitan mo. Let’s have dinner together in my house, please huwag kang tatanggi!”, imbita ng lola France.
Ngumiti naman si Faith sa matandang mabait din.
“Naku! mukhang hindi mo din naman ako papayagang tumanggi. Sige ho! pupunta po ako!”, sagot niya sa matanda.
Niyakap pa siya nito sa sobrang tuwa.
“Good iha! bibigay ko sa iyo ang address ha. Punta ka mamayang alas 6 ng gabi. Hihintayin talaga kita”. anas pa nito.
“Opo Lola, makakaasa po kayo!”, sagot niya dito.
Nagpaalam na din ang matanda at ito’y uuwi na para din personal na ipaghanda ang kanilang celebration mamaya.
Bumalik na muna si Faith sa kanyang suite.
Tinawagan niya kaagad si Lola Maria upang ibalita ang successful nilang business partnership ng G&F cosmetics at naikwento din niya sa kanyang Lola ang tungkol kay Lola Francisca o Lola France.
“Mabait ka kasi apo kaya ay mababait din na mga tao ang nakakasalamuha mo. Mag enjoy ka sa dinner ninyo mamaya”, turan pa ng lola niya.
Mahaba-haba din ang kwentuha nila ni Lola Maria bago magpaalam na ang matanda sa linya.
Si Faith naman ay tiningnan kong anong pwedi niyang suotin mamaya sa dinner.
May nakita naman siyang pwedi ng suotin.
Semi formal na maxi dress. off shoulder iyon at nasa hanggang tuhod niya ang haba.
“Pwedi na siguro ito!”, anas niya.
Mahaba pa naman ang oras kaya ay naligo na muna siya, sinadya niyang magtagal doon para pampatay oras.
Nakuha na niya ang address kaya ay sinearch na niya ito sa google map.
Nasa subdivision ng mga mayayaman.
Pero parang pamilyar sa kanya ang lugar.
Ah, baka narinig lamang niya iyon o nakita sa TV.
Kaya ay binaliwala na niya.
Ng mag alas singko na ay nagbihis na siya dahil mag didrive pa siya baka ay matrapik pa.
Naglagay siya ng manipis na make up at lipstick. Nang Kumbinsido at kontinto na siya sa nakikita sa salamin ay ready na siya.
Kinuha na niya ang maliit niyang bag at cellphone at bumaba na sa parking lot.
Binuhay din niya ang waze app doon at inilagay ang address ni Lola France.
At di naglaon ay nasa daan na siya.
———————
Malapit na ngang mag alas 6 ng gabi.
“Iho! Umuwi ka dito sa mansiyon at dito na mag dinner! bakit palagi ka nalang nandiyan sa condo mo!”, anas ni Lola France sa apo na kahit nasa Maynila lamang ay malimit din silang magkita.
“Lola! Busy po ako ngayon. Hindi po ako nangangako pero susubukan kong umuwi mamaya”, anas nito.
“I want you to be here at dinner. Tayo-tayo na nga lang ay hindi pa tayo makakapagsabay kumain”, sermon nito.
“Okay, lola. Susubukan ko, okay? Bye na muna. Love you Lola Pretty!”, paalam ng binata.
Napabuntong hininga ang matanda.
Hindi na niya sasabihing may bisita siya dahil kung malaman nitong babae ang bisita at iririto niya ay siguradong aayaw ito at siguradong hindi ito uuwi.
Isusurprise niyang pagkilalanin ang dalawa, ang apo niyang si Gregory at si Faith.
Siguradong bagay ang dalawa.
Napangiti ang lola.
Mga ilang minuto pa ay dumating na nga si Faith.
Agad niya itong sinalubong.
“Ayy.. mabuti naman at narito kana iha!, hindi ba matrapik?”, tanong niya dito habang ang dalaga ay nagmano sa kanya.
“Hindi naman po masyado lola”, sagot ng dalaga.
Nagpalinga-linga ang babae sa kabuoan ng mansiyon.
Parang nakikita niyang may gumugulo sa babae.
“May problema ba iha?”, tanong niya dito.
“Wala naman po lola!”, sagot nito.
“Tayo na sa dining room, baka ay gutom kana”, anas niya at hinawakan na niya ang kamay ng babae at dinala sa malawak nilang dining area.
Napahanga ang dalaga sa ganda ng mansiyon ng Ginang. Maraming pagkain na inihanda sa mahabang mesa.
Pero tatlo lang yata ang inilagay na plato doon.
“Kayo lang po bang mag-isa dito, lola?”, tanong ng dalaga.
“Hindi naman. Narito rin ang aking sekretary, ang aking mga personal assistant at ang apo ko”, anas nito.
Tumango-tango ang dalaga.
“Pero busy ang apo kong iyon, kaya hindi na natin hintayin iyon. Kumain na tayo!”, anas nito.
“Sige po lola!”, sagot niya dito.
Masayang nag kukwentuhan habang kumakain ang dalawa.
Nagkukwento si Faith tungkol sa probinsiya at sa negosyo nila doon.
Naikwento din niya kay Lola France ang tungkol kay Lola Maria.
“Kaya pala ay nagkapalagayang loob tayo agad iha ay kasi ay Lola’s girl ka pala! And I think magkakasundo kami ng lola Maria mo!”, anas pa ng matanda.
“Sigurado po iyon Lola kasi ay mabait din ho ang aking Lola Maria at madaldal din”, sagot niya dito.
“Siyanga pala Iha! ipapakilala kita sa apo ko, mamaya pagdating noon, baka ay magkapalagayan loob kayong dalawa! I like you to be my future granddaughter in law“, anas pa ng matanda.
Nahiya naman si Faith sa tinuran ng matanda.
“Naku lola! nakakahiya po!”, anas niya dito.
“Bagay na bagay kayo ng apo kong iyon iha. Iwan ko nga kung bakit wala itong girlfriend, wala pang balak mag-asawa eh trayntahin na din iyon. Marami namang babaeng nagkakandarapa nito dahil Guapo rin, pero iwan ko sa batang iyon”, dagdag pa ng matanda.
“Baka wala pa sa isip ang lumagay sa tahimik lola. Pero ganoon naman siguro ang mga lalaki, they want to play first before finally settling down, sigurado ako lola na kapag matagpuan na ng apo mo ang babaeng para sa kanya at pang habang buhay ay lalagay din iyan sa tahimik!”, sagot niya dito
“Sana nga iha! well.. Actually my apo was inloved before pero iwan ko ba kung bakit iniwan ng babae ang apo ko! At dahil pa nga sa babaeng iyon ay nadisgrasya ang apo ko”, wika ng matanda.
“Baka hindi pa nakamove on ang apo mo lola doon sa babae”, anas pa niya.
“Probably!”, sang-ayun ng matanda.
Ilang minuto pa ay narinig nila na may dumating.
“Ang apo ko na iyan iha!”, anas ng lola.
Iwan ni Faith ba’t siya kinabahan habang nag-antay sila sa paparating na lalaki.